Pansamantala munang isinasagawa ang pag-aaral ng mga studyante sa pamamagitan ng online classes at modules upang maiwasan ang pagkalat ng C0vîd-19.
Ang ilan ay walang problema sa ganitong sitwasyon ng pag-aaral dahil mayroon silang pambili ng gadgets at pambayad ng internet connection. Ngunit karamihan sa atin ay walang maipambili o magamit man lang na cellphone at laptop.
Ang ilan naman ay walang kakayahang magbayad ng internet connection kaya naman nagtitiis na lamang ang mga ito gamit ang data ng kanilang cellphone.
Kaya naman tunay na nakakahanga at nakakabilib ang mga kabataang masisipag mag-aral sa kabila ng hirap sa buhay.
Ito ang ipinamalas ng isang grade 9 student mula sa Valenzuela City na nagbebenta ng mga prutas habang nag-oonline class.
Sa Facebook post ng netizen na si Benj Gonzales, ikinuwento nito ang kanyang paghanga kay Mike.
Aniya, bibili siya ng prutas para sa buntis niyang asawa ngunit napakamahal umano ng mga paninda sa palengke. Kaya naman naisipan niyang sa mga nagtitinda na lamang ng kariton siya bibili.
“Ang mahal ng prutas sa loob ng market kapresyo [sa grocery]. Naisipan kong bumili na lang sa labas sa mga naka-kariton,” sabi ni Benj.
Dito niya nakilala ang studyanteng si Mike na may dalang laptop habang nagtitinda.
“Nakilala ko ‘tong batang tong si Mike isang vendor ng prutas. Na-curious ako kung bakit siya may laptop. Sabi niya nag-o-online class daw siya. Nakita ko din ‘yung mga module niyang madami at makapal na stack ng papel… Data lang sa cellphone ang gamit naka-hotspot lang laptop niya,” saad ni Benj.
Dahil sa sitwasyon ni Mike, inalok siya ni Benj na gamitin ang kanilang wifi connection upang mapadali ang pag-oonline class nito.
“Mike, bukas ang aming tahanan kung kailangan mong maki wifi. Mabuhay ka!” sabi ni Benj.
Ayon sa interview ng Philippine Star kay Benj, marami raw ang kabataang hindi nakakapagpatuloy ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay, ngunit hanga siya kay Mike dahil determindo ito sa kabila ng sitwasyon na kinakaharap.
“Marami tayong out of school youth dito sa Pilipinas, ang main reason nila kung bakit hindi sila nag-aaral kasi mahirap ang buhay. Pero siya nakita kong determined siya mag-aral,” sabi ni Benj.
Narito ang buong post ni Benj:
"Namelengke ako kanina sa Marulas Public Market Valenzuela City. Kay mahal talaga ng mga bilihin. Nasa check list ko ang bumili ng prutas para sa asawa kong buntis. Ang mahal ng prutas sa loob ng market kapresyo ng savemore. Naisipan kong bumili na lang sa labas sa mga naka kariton. Nde ako nagka Mali mas mura nga kesa sa loob ng palengke. Nakilala ko tong batang tong si Mike isang vendor ng prutas. Na curious ako kung bakit sya may laptop. Sabi nya nagoonline class daw sya. Nakita ko din yung mga module nyang madami at makapal na stack ng papel. Napa wow talaga ako sa kanya at data lang sa cellphone ang gamit naka Hotspot lang laptop nya. Grade 9 sya sa Valenzuela National High school. Sa gitna pandemic at mga nangyayaring hindi maganda sa mundo ngayon dahil sa pag taas ng mga bilihin, kahirapan eto pa rin si Mike pa tuloy na nagpupursige at nagsusumikap at nag aaral habang nagtitinda sa gitna ng taas ng araw. Nakaka inspire etong batang to kase may mga ibang batang kumportable sa kanilang bahay malakas ang wifi at iba naka aircon pa eh na gagawa pang magreklamo sa dami ng module na kanilang sinasagutan. Nakaka tuwa tong batang to bukod sa magalang na masipag pang magaral habang nagtitinda. God bless you and your family. Ipagpatuloy mo yan I'm sure malayo ang mararating mo sa buhay. Dasal at sipag lang kaya mo yan. Hindi ko to pinost para magpaka trending kundi, sana ay kapulutan ng aral at inspirasyon ng mga ibang bata. Maging thankful na lang kayo na kumportable kayo sa mga bahay nyo.
Mike, bukas ang aming tahanan kung kailangan mong maki wifi. Mabuhay ka!"
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
***
Source: Benj Gonzales | Facebook