Photo Courtesy: Lennie Anne Elorde |
Isa ka din ba sa mga empleyadong naghihintay at nag-aasam ng Christmas bonus?
Tuwing sasapit ang kapaskuhan, lahat naman ata ay abang-abang hindi lang sa pa 13th, 14th month ni Boss, kundi hiling at iniintay din ng marami ang Bonus.
Mapapa Sana All ka nalang sa limpak-limpak na Christmas Bonus na natanggap ng isang empleyado mula sa kanyang napakabait at napakagalanteng Boss.
Napaaga ang selebrasyon ng Pasko ni Lennie Anne Elorde dahil nagkakahalagang $2000 o halos P100,000 thousand lang naman ang Christmas bonus na kanyang natanggap mula sa boss niya.
Kahit 4 na buwan pa lamang bilang isang CSR/Onboarding Specialist si Lennie Anne ay nakatanggap na agad siya ng napakalaking halagang pamasko.
Kwento niya, ikinabahala pa niya nung tinanong siya ng kanyang kliyente kung gaano na siya katagal nagtatrabaho sa companya niya, dahil ang akala niya na baka ay patatalsikin at papalitan na siya sa kanyang posisyon.
Natuwa lang pala ang kliyente nito sa kanyang kagalingan at kasipagan sa trabaho kayat agad-agad, abot langit ang kanyang tuwa at pasasalamat at hindi parin makakapaniwala sa laki ng perang kanyang natanggap.
Sa pagtatrabaho isa sa mga dahilan kung bakit piniling manatili sa isang kompanya ang mga empleyado ay hindi lang dahil masaya siya dito at sa trabaho niya o maganda ang pamamalakad ng kompanya, kundi ang pagiging praktikal sa sweldo at mga benepisyo na kanilang matatanggap katulad nalang ng kaligayahan ngayon ni Lennie Anne, na mapapa-Sana All ka nalang din talaga.
Marami din sa mga katulad niyang empleyado ang mas nainspire pa sa kanyang binahaging karansan at hindi maiwasang mag Sana All.
Narito ang kanyang buong kwento:
Yesterday, tinanong ako ni client kung kelan ako nagstart sa kanila. Medyo kinabahan ako ghorl, baka kasi gusto na nila akong palitan. On the contrary, tapos na pala yung ’sana ol’ days ko.
I’ve been working with my client for almost 4 months as a CSR/onboarding specialist and I really enjoy my job. Sa mga beginners, tyaga lang, dadating din kayo dyan.
I’m still in awe. 😱
#ChristmasCameEarly
***
Source: Lennie Anne Elorde
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!