Delivery rider na nagbibigay ng pagkain sa mga homeless, nakatanggap ng P100,000 - The Daily Sentry


Delivery rider na nagbibigay ng pagkain sa mga homeless, nakatanggap ng P100,000



Napakapalad ng mga taong handang tumulong sa kapwa kahit na walang kapalit. Sila ang patunay na may mga tao pa rin sa ating lipunan na handang tumulong sa mga nangangailangan ng walang hinihinging kapalit.
Raymond Papellero / Photo credit to the owner

Sila ang nararapat na biyayaan ng Diyos at makatanggap ng pagpapala dahil sa kanilang kabutihang loob.

Samantala, naaalala niyo pa ba ang viral na delivery rider ng Pizza Hut na nagbibigay ng pagkain sa mga taong walang tirahan o mga nasa kalye?

Tinawag na good samaritan si Raymond Papellero na bumibili ng mga tinapay gamit ang natatanggap niyang tips mula sa kanyang mga customers.
Raymond Papellero / Photo credit to the owner
Raymond Papellero / Photo credit to the owner

Ibinahagi ng mismong may-ari ng bakery ang ginagawang pagbibigay ni Raymond ng tinapay sa bawat homeless na kanyang madadaanan tuwing magdedeliver.

Nakakita po ako ng pamilya sa kalsada, tapos ’yung dalawang anak, umiiyak. Siguro nagugutom, kaya naisip ko na bumili ng tinapay para ibigay sa kanila. Naranasan ko rin po kasi ’yung ganoong gutom nung bata pa ako kaya alam ko ’yung pakiramdam,” sabi ni Raymond.

Marami ang humanga at na-touch sa ginagawa ni Raymond kaya naman mismong ang fastfood na Pizza Hut ay binigyan siya ng reward na P10,000.
Raymond Papellero / Photo credit to the owner
Raymond Papellero and Chacha Junio / Photo credit to the owner

Ngunit ang biyayang natanggap ni Raymond ay hindi nagtapos dito. Umabot ang kwento niya sa Araneta Group of Companies (AGC) kaya nakatanggap pa ulit ng P100,000 si Raymond.

Mr. Papellero’s generosity is very much in line with the Araneta Group’s commitment to give back to the community, and this cash award is a sincere appreciation of his benevolence,” sabi ni Chacha Junio, chief operating officer ng Philippine Pizza, Inc. 
Chacha Junio / Raymond Papellero / Photo credit to the owner

Ayon naman kay Raymond, sana raw ay nainspire niya ang mga kapwa tao na tumulong lalo na sa panahon na kinakaharap natin ngayon.

I hope what I’m doing will inspire other people to also share their blessings with the poor, especially during these difficult times. For as long as I’m able to, I will keep on doing this every day,” saad ni Raymond.


***
Source: OneNews