Dating Gasoline Boy, nakapagpapatayo na ng sariling bahay; Inspirasyon ngayon sa social media - The Daily Sentry


Dating Gasoline Boy, nakapagpapatayo na ng sariling bahay; Inspirasyon ngayon sa social media





Lahat ng tao ay may mga kanya-kanyang pangarap na nais abutin sa buhay. 


May mga nangangarap matupad at makapagtapos sa kanilang mga gustong propesyon, magkaroon ng magandang trabaho, makapagpatayo ng negosyo, may gusto ding magkaron ng sariling sasakyan, pero karamihan ay pangarap ang magkaroon ng sariling lupa at bahay para sa pamilya. 



Walang imposible sa mga ninanais marating at makamtan sa buhay, basta laging may diskarte, pagsisikap, determinasyon, tiwala sa sarili at pananalig sa Diyos lahat ay kayang abutin, hindi man agad-agad, paunti-unting malalasap mo rin ang lahat ng pagod at pagsasakripisyo.




Magastos at tunay na mahirap ang pagpapagawa ng isang Bahay, ngunit pinatunayan ito ng isang dating Gasoline Boy na si Igue G. Varra, sa edad na 26-years old ay nakakapagpatayo na siya ng kanyang matatawag na sariling bahay.


Tunay na inspirasyon ng nakararami ang napatunayan ni Igue, na kahit pa sa hirap ng buhay at hindi kalakihang sweldo naiuuwi niya bilang nagtatrabaho sa gasolinahan ay nakapag-ipon siya ng pera para unti-unting buuin ang kanyang pangarap.


Ibinahagi ni Igue ang mga larawan ng plano ng kanyang dream house, kumpleto ito mula sa 2-kwarto, bathroom, kitchen, living room, dining room at may pa-terrace pa. 



Halatang napaghahandaan ni Igue ang mga maaaring gastusin sa pagbuo ng kanyang bahay, dahil secured ito ng mataas na steel gate at napalibutan din ng bakod ang kanyang tinatayuang bahay.


Hindi naman maitago ng mga netizen ang kanilang paghanga sa pagpupursige at pagsisikap ng isang gasoline boy na ngayoy unti-unti ng natutupad ang mga pangarap:





Sarap sa pakiramdam makapagawa ng bahay...dugot pawis pinagsikapan namin ng asawa ko lang kc naging inspirasyon ko mga taong mapang mata samin kc noon ang tawag sa bahay ko bahay lang ng kalapati...pro ok lang kc Kong d nila ako inalipusta d ako magpupursige sa buhay - R-a Padua


Wlang imposible sa taong masikap meron nman anak myaman dati, ngayon nmamalimos nlang sa kalsada kc di nila binigyan halaga binigay sa KANILA ng magulang nila kc di nila pinaghirapan kya maganda kung mag uumpisa tayo sa hirap - Manuel Lizardo Sr.



Balang araw kami dn kasambahay at driver👏😁 - Remia Alajar Yulores



***

Source:  FGPH

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!