Photo Courtesy: Wowcordillera |
Walang imposibleng bagay at matatayog na pangarap ang hindi kayang abutin sa isang taong may mas matayog pa na dediskasyon at pagsisikap sa kanyang mga pangarap. Handang suungin ang kahit ano pang mga klaseng trabaho upang matustusan lamang ang mga gastos sa pag-aaral at mapagtagumpayan ang kanyang mga mithiin.
Naging matagumpay ang isang dating construction worker na si Mr. Howard Chan na noo’y umeextra-extra bilang laborer sa isang local real estate company sa Baguio City ay nakapagtapos ng abogasya at ngayo’y ganap ng Lawyer.
Photo for illustration purposes only |
Nagtatrabaho siya bilang isang service crew sa isang sikat na fastfood chain dito sa bansa at nagpapar-time bilang carwash boy upang makatulong sa kanyang Ina na isang waitress, sa mga gastusin at mga pangangailangan nila.
Naaalala pa ni Howard kung gaano kahirap ang pagiging isang service crew, at may pagkakataong tinatawanan at minamaliit ang kanilang trabaho.
"'Yung bang tipong tatawagin ka tapos papakuha ng ketchup. Pagbalik mo e papakuha ng tissue. Pagbalik mo ulit e papakuha ng tubig, and then magtatawanan sila,"
Photo for illustration purposes only |
"Meron mga time na papagalitan ka ng customers for various reasons, meron din 'yung papagalitan ka ng manager kasi pinagalitan sila ng customers, so ibabaling sa amin ang frustrations nila,"
Ibinahagi din ni Howard ang matinding mga pagsubok at problema na kanilang pinagdadaanan noong siya’y hindi pa abogado.
Naisip niyang magtrabaho bilang guro pagkatapos ng kanyang pag-aaral upang matustusan niya ang kanyang planong mag-aral ng Law ngunit niisang tsansa walang dumating.
Upang matustusan ang pag-aaral pinasok niya ang pag-tututor at pagiging call center agent.
"I realized I did not want to spend the rest of my life that way, hence I decided to go back to law school. But this time, I enrolled at the College of Law of the University of the Cordilleras (Baguio). I maintained my working student status,"
Photo for illustration purposes only |
"I got introduced to online jobs by a friend and I ended up being a virtual assistant. Online jobs supported the remaining years of my law school until 2014, when I graduated,"
“Coming from a working class family. It was hard for me to believe the well-to-do people genuinely care for the poor. We’ve had rich relatives who never even bothered to check on un when we had no electricity, water, nor for to eat.”
Paliwanag niya na kahit pa meron silang mga kamag-anak na may kaya sa buhay hindi naman din daw ibig sabihin na kargo na nila ang tumulong pero kung meron man kahit na kaunting tulong ay kanila itong ipagpapasalamat.
Kahit hawak-hawak na niya ang tagumpay hindi-hindi parin makakapaniwala si Howard na isa na siyang Lawyer ngayon at nalagpasan niya ang lahat ng mga pagsubok noon.
"'Yung feeling na nandun na pero 'di ka pa rin makapaniwala kasi from that day on, you can finally move on to another dream, another challenge, another endeavor," saad niya.
"Cliche, pero lahat ng hirap nakalimutan. It was all worth it. I was thankful sa experience because it made me stronger and it made me look at life differently. It made me value it more," dagdag niya.
Dahil lumaki sa mahirap na pamumuhay, nang siya'y maging isang ganap ng Lawyer ay natutunan niyang maging isang abogado na kanyang hinahangaan noong mga panahong sinubok siya ng hirap ng buhay.
“When I became a lawyer, I just knew that I have to be that kind of lawyer that I admire back in the days when we were struggling. I don’t have to be the smartest of the most prominent. I just want to be one of the most judicious and moral,”
***
Source: Wowcordillera, ABS-CBN
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!