Construction worker at wais na asawa, nakapag-ipon ng pampagawang sariling bahay - The Daily Sentry


Construction worker at wais na asawa, nakapag-ipon ng pampagawang sariling bahay



Photo Courtesy: Buzzooks

Hanggang saan aabot ang 50 pesos mo?


Kung ang iba ay ginagawang dahilan ang kanilang kahirapan sa buhay kung bakit hindi nakapag-ipon ng kahit kaunting pera para sa kinabukasan, ito ang pinatunayan ng viral na post mula sa isang netizen na kahit pa sa maliit na sahod na kinikita at inuuwi ng kanyang asawa ay nagawa parin nilang makapagtabi kahit paunti-unti, hanggang sa hindi nila inasahan na lumaki na ito. 

Hindi naging imposible para sa isang masinop sa pera na housewife na si Kember Flores Casabuena at sa masipag niyang asawa na si Alphie Castante Olvis, isang construction worker ang makapag-ipon ng malaki-laking pera para sa kanilang pinapangarap na makakapagpatayo ng kanilang sariling bahay.


Nagviral ang post na ginawa ni Kember at naging inspirasyon ng marami sa mga netizen na nakakabasa nito dahil kahit pa wala siyang trabaho, at tanging si Alphie lang na hindi rin kalakihan ang naiuuwing pera mula sa kanyang trabaho.



Photo Courtesy: Buzzooks


Sa una’y tanging sa karton ng sapatos lamang nila inilalagak ang tig-50 pesos nila, hanggang sa inilipat na nila ito sa isang malaking balde dahil hindi na ito magkasya.


Nakuha umano ni Kember ang ideya at pamamaraang ito ng pag-iipon o “Ipon Challenge” sa isang episode ng Kapuso mo Jessica Soho o KMJS, isang sikat na TV Show ng GMA network. 



Makikita sa mga ibinahaging mga larawan ang isang baldeng pera na halos karamihan ay mga 50peso bill at may mga tig-iisang libo at limandaan din na kasama.


Photo Courtesy: Buzzooks


Photo Courtesy: Buzzooks



Marami ang na-inspire na mga netizen sa nagawa nila Kember at Alphie, isang patunay na kahit pa sa gaano kaliit o kalaki ng kinikitang pera, pag gustong makapag-ipon para sa mga pangarap sa buhay, ay hindi ito imposibleng gawin at kamtin.

***

Source:  Buzzooks

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!