Dulot ng kumakalam na sikmura, hindi na kinaya ng isang lalaki na tiisin ang gutom kaya naman napilitan na itong gumawa ng hakbang para lang malamnan ang kanyang tyan kahit pa iligal ang pamamaraan.
Sa bayan ng Tapaz, Capiz, isang 19-anyos na lalaki ang nadakip ng mga pulis matapos itong isuplong sa mga otoridad dahil sa pagnanakaw ng mga pagkain, kabilang na ang iba pang mga gamit.
Kinilala ang may-ari ng bahay sa Barangay Lagdungan na si Manuel Gabucay, 69-anyos.
Sa panayam sa pulisya, ibinahagi ni Police Captain Bryant Fallera, chief of the Tapaz Municipal Police Station, ang alegasyon na nakita ang suspek na pinasok ang bahay na may dalang isang sako.
Bukod sa apat na manok na ninakaw umano, naglalaman din ng mga prutas at chicken nuggets ang dalang sako ng lalaki.
Kinumpirma naman ng biktima na sya ang nagmamay-ari ng mga manok.
Ayon kay Fallera, purisigido ang biktima magsampa ng kaso laban sa suspek.
Dagdag pa nya, namataan din umano sa bahay ng suspek ang iba pang mga gadget gaya ng cellphones at tablets na pinaniniwalaang ninakaw rin umano.
Mayroon na rin umanong record barangay ang naturang lalaki dahil sa pagnanakaw.
Retired policeman ang nabiktima ng suspek na kinilalang si Romy Danid na isang residente mula sa Barangay Taft ng kaparehong bayan.
Inulan naman ng simpatya ang naturang lalaki mula sa mga netizen.
Narito ang ilan: