Larawan mula sa Artikulo Uno |
Viral sa social media ang kakaibang kwento ng isang ina kung saan ay lakas loob nitong ibinenta ang kanyang anak na kambal sa ibang tao upang pambayad sa kanyang utang at pambili ng pinapangarap na cellphone.
Ang inang ito ay nakilala sa kanyang apelyido na Ma, at ayon sa balita ay maaga umanong nabuntis si Ma sa edad na 20 taong gulang.
Dahil dito ay malaki umano ang galit sa kanya ng kanyang mga magulang dahil sa pagiging iresponsable nito.
Larawan mula sa Furry Category |
Napag-alaman na ipinagbili ni Ma ang kanyang kambal na lalaki sa magkaibang presyo.
Larawan mula sa Furry Category |
Ang unang anak na kanyang ipinagbili ay nagkakahalaga umano ng 45,000 yuan o Php 316,370 at ang isa naman ay 20, 000 yuan o Php 140,600.
Ayon pa sa balita, kaya umano nagawa ni Ma na ibenta ang kanyang kambal upang mabayaran nito ang utang sa kaniyang credit card at upang mabili din ang pinapangarap na bagong cellphone.
Samantala, bigla namang nagparamdam ang ama ng mga bata noong nalaman nitong ipinagbili ang kanyang dalawang anak.
Larawan mula sa Furry Category |
Nagparamdam ang ama ng mga bata hindi dahil para magalit sa ginawa ni Ma kung hindi para manghingi ng pera pambayad sa mga utang nito sa sugal.
Kumalat ang balitang ito at nakarating sa mga otoridad at kaagad hinanap ang walang konsensyang mga magulang upang dakpin.
Larawan mula sa Furry Category |
Kaagad namang nabawi ang kambal mula sa mga bumili dito at kasalukuyan ng nasa pangangalaga na ito ng mga magulang ni Ma.
Ngunit ang perang pinagbentahan sa mga bata ay hindi na nabawi dahil nagastos na umano ito ni Ma at Wu Nan.
Sadya nga namang walang konsensya ang mga magulang na sina Ma at Wu Nan na kahit mga sariling mga anak ay kayang ipagbili para lang sa kani-kanilang luho.
****
Source: The Relatable