Batang 'di nagpatalo sa kahirapan, patuloy sa pag-aaral kahit "Kamote at Isda" lang ang baon; Inulan ng tulong - The Daily Sentry


Batang 'di nagpatalo sa kahirapan, patuloy sa pag-aaral kahit "Kamote at Isda" lang ang baon; Inulan ng tulong



Cristine T. Nonan | Photo Courtesy: Topnews

Marami parin sa ating mga kababayan ngayon ang nakakaranas ng sobrang kahirapan lalong-lalo na ang mga pamilyang nakatira sa mga malalayong mga probinsya.Ngunit kahit anong kahirapan man ang susubok sa katatagan ng bawat Pilipino hindi ito naging hadlang upang tumigil sa mga hamon ng buhay at wakasan ang mga pangarap. 

Tulad nalang ng isang post na ibinahagi ng isang guro na si Almera Maquintura Bagares mula sa lalawigan ng Zamboanga del Sur tungkol sa isang batang estudyante na patuloy paring nagsusumikap sa kanyang pag-aaral kahit pa salat ng kanilang pamumuhay.


Siya ay ang batang si Cristine T. Nonan mula Busol, Tigbao, Zamboanga Del Sur, hindi gaya ng maraming kabataan ngayon na tinatamasa ang magandang pamumuhay, at nakakakain ng mga masasarap at ibat-ibang mga pagkain.

Si Cristine ay pumapasok na hindi pera at masasarap na gustong pagkain at kinahihiligan ng karamihan sa mga kabataan kundi bitbit niya'y Kamote at ilang pirasong Isda at Tuyo bilang kanyang baon sa eskwela.




Parehas magsasaka ang mga magulang ni Cristine at ang kamote na kanyang binabaon ay ang mga tanim nila at dahil sa kawalan ng pinansyal, hirap marahil din para sa kanila ang makabili ng ibang pagkain. 

Kahit pa sa malinis na intensyon ng kanyang guro sa ginawang post nito, may Iilan sa mga netizen ang hindi nagustuhan sa umanoy pangmamaliit ng guro sa pagkain ng bata.


"There is nothing wrong with her food. I eat that too when camotes are in season with GG or bangus or bulad. It’s healthier and savory! Let’s not be blinded with commercialism and fast food which we know are not healthy at all,” 


Ang katotohanan ay ng dahil sa kahirapan ng mga iilan sa mga kababayan natin na nakatira sa probinsya, minsan tanging ang tanim na Kamote lang ang kayang maihain sa hapagkainan. 

Ngunit marami din sa mga netizen ang nakakaintindi sa kalagayan ng pamilya nila Cristine at nagbigay ng kanilang mga reaksyon at nagpahatid ng kanilang mga tulong para sa pamilya. 

“Naranasan ko din yan bb pro wg Kang mag alala mas masarap pa yan kai sa Karne ..Ang importante sa ngaun malusog kau nde nagkakasakit kmi nga dati bereha lng kmi lalagnaten ubo sip on dahil sa mga pagkain puro gulay saging camote 😊behera lng kmi mkain ng bigas mais dati pro nagpapasalamat pa Rin kmi sa god kahit papaano may kinakain bb.god bless you bb.tuloy Mo lng un pag aaral,” positibong saad ng isang netizen. 




“Di mkarelate ang mga taong di nkaranas ng sobrang kahirapan! Ganon din ako noon!” komento ng isa. 


“Nene, dont worry huwag kang malungkot kung ganyan ang pagkain mo napaka swerte mo pa nga dahil dyan sa pagkain mo na yan ay magiging malusog ka kesa sa karne,burger at masasarap na pagkain hindi naman healthy,” tugon ng pagsuporta.





“God will bless you.. Tiis lng muna,. One day mkakain mo lahat ng gusto mo basta wag huminto sa pagsisikap.. Mas mganda dumaan sa hirap pra alam magpahalaga kahit sa maliliit na bagay.. Godbless you…” 

***

Source:  Buzzooksbuhayteacher

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!