Bata, itinali sa puno dahil nakabasag umano ito ng salamin - The Daily Sentry


Bata, itinali sa puno dahil nakabasag umano ito ng salamin



 

Larawan mula kay Jhopie Dela Polea

Minsan hindi maiiwasang makagawa ng mali ang mga bata lalo na at nasa murang edad pa lamang ang mga ito kung kaya naman hindi pa malinaw sa kanila kung ano dapat gawin o kung ano ang tama at mali.


Kung kaya naman bilang mga nakakatanda ay kailangang intindihin natin ang mga ito kung sakali mang may pagkakataong makagawa sila ng hindi tama.


Ganoon pa man, viral sa social media ang post ng isang netizen na si Jhopie Dela Polea kung saan ay ibinahagi nito ang hindi niya inaasahan na mangyayari sa kanyang anak.

Larawan mula kay Jhopie Dela Polea

Ayon kasi sa post nito, makikitang naka tali sa kadena ang kanyang maliit na anak na lalake sa tabi ng isang puno na halatang gusto na nitong kumawala.

Larawan mula kay Jhopie Dela Polea

Ayon pa sa post ni Jhopie, wag daw umanong ubusin ang kanyang pasensya na tila pinapasaringan nito ang mga indibidwal na nasa likod ng hindi kanais-nais na nangyari sa kanyang anak.


Banggit pa ni Jhopie, nakabasag lamang umano ng salamin ang kanyang anak na naging sanhi ng nangyari sa kanya ngunit hindi umano dahilan para danasin niya ito at hindi umano aso ang kanyang anak para gawin sa kanya ito.


"Wag tayong mag sagadan. Tangna di aso ang anak ko para ig@pos nyo nakabasag lang ng salamin ig@g@pos nyo na mga h4yop kayo." ayon kay Jhopie.

Larawan mula kay Jhopie Dela Polea

Si Jhopie ay tila wala sa kanilang tahanan para bantayan ng maayos ang kanyang anak dahil ayon sa kanyang post ay nasa ibang bansa ito para magtrabaho.

Larawan mula kay Jhopie Dela Polea

"Hindi h4yop ang anak ko para ig@pos nyo hindi ako nag papaka hirap dito para ganyanin niyo. bata yan hindi aso.." banggit ni Jhopie.


Humihingi din si Jhopie ng pabor mula sa mga makakabasa ng kanyang post na ibahagi din sa kani-kanilang mga social media account upang makarating sa kinauukulan at para matulungan ang kanyang anak.


"Paki share naman po plsss ng makabot sa dswd wala ako sa pinas para ipag tanggol ang anak ko. Maling mali ginawa nyo."


****


Source: Jhopie Dela Polea