Bagong klaseng modus ng mga magnanakaw binunyag ng isang netizen at kung paano ito ginagawa - The Daily Sentry


Bagong klaseng modus ng mga magnanakaw binunyag ng isang netizen at kung paano ito ginagawa




Mga larawan mula sa Facebook ni Ambo Boochii Orendain Bongalonta



Nauna nang nagbabala ang mga awtoridad tungkol sa paglaganap ng mga modus ngayong panahon ng bonus at holiday season, lalo na dumarami din ang mga online transactions dahil sa banta ng COVID sa bansa.


Iniulat din ng National Bureau of Investigation na uso na naman ang phishing o iligal na pagkuha ng mga importanteng impormasyon mula sa biktima sa pamamagitan ng mga email.



Karaniwan ay magpapadala ang mga ito ng email sa biktima upang ipagbigay alam na ito ay nanalo umano ng gift certificate, rewards, credit card upgrade at alok na work from home at kung anu-ano pa.


"Ngayon mini-mimic ng mga hacker 'yun, ng mga scammer 'yun, na akala mo nagbabayad ka ng kuryente, "yun pala 'yung account nila (scammer) ang binabayaran mo," ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo.


Mayroon ding tinatawag na utility scam, kung saan ay nagpapanggap na tauhan ng isang utility company ang mga magnanakaw.


Isang netizen naman ang nagbahagi ng mismong karanasan niya sa bagong modus ng mga kawatan.


Ayon kay Ambo Boochii Orendain Bongalonta, muntik na umano silang mahulog sa patibong ng mga manloloko, kung hindi lang sila naging listo.



Aniya, may natanggap umano siyang email na nagsasabing ide-deactivate ang kanyang account sa naturang bangko at may link na kahawig ng original na website nito.*


Larawan mula sa Facebook ni Ambo Boochii Orendain Bongalonta



"NEW STRAIN NG MODUS: Muntikan na kami!


“We are deactivating your account...”


Magsesend sila ng shit sa email mo para kabahan ka tapos almost carbon copy yung interface ng website. Ipapalog-in yung account mo so makukuha username at password. MAGING ALISTO! Badtrip ‘to!" 


Kakabasa ko lang na may namodus sa ibang bank nung isang araw, simot 50k." ayon sa caption ng post ni Bongalonta


Ang post na ito ay agad na nag trending sa social media. Sa kasalukuyan, mayroon na itong 142k na shares at mahigit 24k naman na comments.


Base sa mga komento, marami ang nagbigay ng kani-kanilang paaala na huwag mag bukas basta basta ng emails, lalo na kung ito ay nagtatanong ng iyong bank details.


Mayroon namang nagpasalamat sa kwentong binahagi na ito ng netizen, upang magkaroon din ng kaalaman ang karamihan.


Mayroon namang mga nagsasabi na mas ligtas kung App mismo ng bangko ang gagamitin o di naman kaya ay sa mismong website. 


Paliwanag pa ng ibang netizen, dapat maging maingat sa pag click ng mga link, tingnan munang mabuti ang address ng link bago ito buksan. 



"Phishing ang tawag dyan kaya dapat laging mapagmasid. Think before you click. Malalaman mo naman yan kung suspicious." ayon naman sa isang netizen