Dahil sa kumakalat na sakit sa buong mundo, mahigpit na ipinapatupad ang pagsusuot ng facemask at face shield sa mga ilang lugar o establisyemento. Maging sa mga pampublikong sasakyan ay kailangang kumpleto ang mga kailangan mong suotin.
Hindi man tayo komportable kapag may suot na facemask at face shield, kailangan natin itong gawin upang maiwasan ang paghawa ng sakit at upang matulungan ang ating mga frontliners.
Sa kabila ng ating mga pag-iingat, mayroon pa rin mga taong walang disiplina at konsiderasyon sa kaligtasan ng iba.
Katulad na lamang ng isang babae mula sa Cebu City na gustong pumasok sa loob ng simbahan ngunit wala naman itong suot na facemask o face shield.
Sa Facebook page na “Cebu Social Media”, mapapanood ang babaeng nagpupumilit pumasok sa entrance ng simbahan kahit na wala itong suot na facemask at face shield.
Makikita rin ang security guard na pinipigilan ang babaeng makapasok.
Sinabi ng mga security guards sa babae na kailangan nilang sundin ang polisiya na huwag magpapasok kapag walang facemask at face shield.
Dito na nagalit at nagsimulang sigawan ng babae ang mga guwardiya.
Aniya, mga security guards lamang daw sila at hindi sila Diyos.
Makikita naman sa video na madaling nakakapasok sa simbahan ang mga taong may suot ng facemask at face shield.
Sa ngayon ay umabot na sa 1.5k reactions, 1.8k comments at 1.7k shares ang nasabing video.
Panoorin ang buong video sa ibaba:
Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:
***
Source: Cebu Social Media