Anak ng isang magsasaka, nanalo ng $300,000 na scholarship sa Amerika dahil sa angking talino nito - The Daily Sentry


Anak ng isang magsasaka, nanalo ng $300,000 na scholarship sa Amerika dahil sa angking talino nito



Ang pag-aaral at pagkakaroon ng edukasyon ay ang tanging kayamanan na hindi mananakaw sa atin ninoman.

Photo credit Aldrean Paul Alogon

Ang bawat magulang ay walang ibang hangad kundi ang mapabuti ang kinabukasan ng kanilang mga anak. Kaya naman ang makapagtapos sa pag-aaral ang isa sa mga inaasam nilang matupad para sa kanila.

Ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral dahil narin sa hirap ng buhay. Kaya naman napakapalad ng mga taong hindi problema ang pera upang makamit ang kanilang mga pangarap.

Samantala, mayroon din namang mga kapos palad ngunit nagagawang abutin ang kanilang mga pangarap sa buhay. Kailangan lamang ng sipag, tiyaga at dedikasyon.

Katulad na lamang ng isang anak ng magsasaka na nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral ng libre sa isang kilalang unibersidad sa bansang Amerika. Siya ay si Aldrean Paul Alogon na taga Sigma, Capiz.
Photo credit Aldrean Paul Alogon

Kwento ni Aldrean, ang kanyang ama ang nakasagot sa magandang balita na nakapasok siya sa “US liberal arts school Wesleyan University on the highly competitive Freeman Asian Scholarship.”

"Hindi talaga ako makapaniwala kasi ang daming kumuha noon. The fact na ako ang nakakuha, napaka-heartwarming at napaka-unbelievable. Parang sasabog 'yung heart ko kasi hindi ako makapaniwala," sabi ni Aldrean sa isang interview ng GMA News.

"Thankful po ako, very joyful kasi it was all-expenses paid. Wala nang babayaran 'yung family ko... World-class education na nga tapos libre pa, win-win talaga," dagdag niya.

Isa si Aldrean sa 11 na napiling "exceptionally able students" sa iba’t ibang bansa sa Asia. Kasama rito ang the People’s Republic of China, Hong Kong, Indonesia, Japan, Malaysia, the Philippines, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand, at Vietnam.
Photo credit Aldrean Paul Alogon
Wesleyan University / Photo credit to the owner

Ayon kay Aldrean, kinakabahan siya dahil malalayo siya sa kanyang pamilya ngunit ginagawa umano niyang motivation ang kanyang takot.

"This isn't for myself. I'm doing this for the people who also dream but were not given the resources because they were born poor," sabi ni Paul.

Ibinahagi rin ni Paul ang kanyang karanasan nang pumasok siya sa high school ilang taon na ang nakalipas.

"Coming from the farm, coming from a very rural place, ang daming adjustment na kailangan gawin kasi 'yung mga kaklase ko, they came from various prestigious backgrounds.”

Sa kanyang Senior year ay naging Vice President si Aldrean sa student council.

"Gusto ko po kasi talaga pong ipakita na the Philippine Science High School isn't just for the smart and the wealthy, kasi parang ganun po ang view ko sa kanila noon. I want to show to the few people like me na mayroon ding magre-represent sa kanila," saad niya.
Wesleyan University / Photo credit to the owner
Photo credit: Aldrean Paul Alogon

Naging inspirasyon ni Aldrean ang kanyang ina na isang principal noon. Ngunit ang pagpanaw nito taong 2015 ang nag-iwan ng malaking butas sa kaniyang puso at tatag ng loob.

"When she passed away I had to be very independent at saka very open-minded. My mother was very loving of her siblings. Sa anim sa kanila, siya lang 'yung professional... nakuha ko po 'yung mindset ng nanay ko na kailangan ko po maging selfless kasi napakarami na pong ibinigay sa akin ng Diyos. Biniyayaan ako nang marami," sabi ni Aldrean.

"Iniisip ko po lahat ng nangyayari sa akin hindi lang blessing sa akin kundi para ma-bless din po 'yung iba," dagdag niya.

The Philippine team carries the flag at the International Olympiad on Astronomy and Astrophysics in 2016, alongside the Estonia team


Pagbalik ni Aldrean sa Pilipinas ay nais niyang may sapat na siyang kaalaman at experience upang harapin ang mga hamon sa buhay.

"I'm there to learn and I'm there to acquire knowledge to come back here... I'm thinking of becoming a civic engagement person or a person in the sciences na ang focus talaga is the grassroots," sabi niya.

Ayon kay Aldrean, super excited raw ang kanyang ama kahit na magkakahiwalay sila. Kaya naman ihahatid siya nito sa Airport.

"Excited na excited nga po siya. Kahit wala kaming pera, sasamahan niya raw po ako papuntang NAIA kasi last na daw namin 'yung pagkikita in four years," sabi ni Aldrean.


***