“Always check your receipt” paalala ng Netizen, na sobra pa sa triple ang nabayaran - The Daily Sentry


“Always check your receipt” paalala ng Netizen, na sobra pa sa triple ang nabayaran




Sa hirap ng buhay ngayon, napakahirap na mawalan ng kahit maliit lang na halaga ng pera.


Isang netizen ang nag post ng kanyang karanasan sa isang sikat at isa sa pinakamalaking grocery store sa bansa kung saan hindi lang isa, kundi pangalawang beses na umano nilang naranasan na mali ang na-punch in na presyo ng produkto na kanilang binili. 


Sa post ni Joshua Enriquez, namimili sila ng kanilang mga grocery items sa SM Center Las Piñas - Hypermarket, kung saan sa kanyang sobra-sobra ang na-punch sa binili nilang Noodles, imbes 6-na piraso lang ay naging 63-piraso ang nakalagay sa resibo.



“Tignan niyo po sa receipt sa first picture. 63x 7.75= 488 pesos LuckyMe Chicken na chicken Pero ang binili lang po namin ay 6pcs na noodles so 6x 7.75= 46.5 lang dapat.” saad niya sa kanyang post.


Agad umano nila itong isinangguni, ngunit ang gusto ng Customer Service ng SM Hypermarket ay change item nalang ang gagawin bilang solusyon, pero hindi pumayag si Joshua dahil hindi naman nila kasalanan ang nangayari pagkakamali.

Photo Courtesy: Foursquare

Agad umano nila itong isinangguni, ngunit ang gusto ng Customer Service ng SM Hypermarket ay change item nalang ang gagawin bilang solusyon, pero hindi pumayag si Joshua dahil hindi naman nila kasalanan ang nangayari pagkakamali. 


Paalala ni Joshua sa lahat ng mga mamimili na ugaliin ang pag-check ng resibo sa kahit ano pang mga transakyon bago lumabas ng establisyemento upang makasigurado na tama at walang mali at higit sa lahat di masasayang ang iyong pinambayad na pera dahil lang sa mali ng iba.



Narito ang kanyang buong post at paalala:

ALWAYS CHECK YOUR GROCERY RECEIPT!!


Sa SM Center Las Piñas po ito nangyari, actually pangalawang beses ba to nagyari samin di lang namin pinansin yung unsa kasi nasa bahay na nung nakita namin. 


Tignan nuyo po sa receipt sa first picture. 63x 7.75= 488 pesos LuckyMe Chicken na chicken Pero ang binili lang po namin ay 6pcs na noodles so 6x 7.75= 46.5 lang dapat.


Sabi ng customer service nila change item na lang daw pero di kami pumayag kasi hindi naman kami yung nagkamali kaya inulit yung pag punvh-in ng items. Kita naman po sa second picture yung total amount due and items purchased compare niyo na lang. 


PS: Na refund po namin yung sobra after ipinch-in ulit lahat ng items, pinost ko po for reminder sa iba na always check receipt.



EDIT: wala po akong sinisisi dito, pinost ko lang to para sa awareness ng mga customer na alwyas check receipt bago umuwi.
 

***

Source:  Joshua Enriquez

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!