Yolanda Survivors, Nagbigay ng Donasyon at Pag-asa sa mga Biktima ng Bagyong Ulysses - The Daily Sentry


Yolanda Survivors, Nagbigay ng Donasyon at Pag-asa sa mga Biktima ng Bagyong Ulysses



Photo credit to Manila Bulletin

Isang linggo matapos ang kalunos-lunos na pagbaha sa Metro Manila at Cagayan dulot ng bagyong Ulysses, nagsisimula na muling bumangon ang mga biktima, sa tulong na rin ng mga taong walang patid na nagbibigay ng donasyon at suporta sa kanila mula sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Isa sa mga pumukaw ng atensyon at paghanga ng mga netizens ay ang pagbibigay ng donasyon at pag-asa ng mga taga-Tacloban at Yolanda survivors sa ngayon ngang mga biktima ni bagyong Ulysses.


Photo credit to Manila Bulletin

Photo credit to Manila Bulletin

Matatandaan na noong November 2013, nanalasa sa bansa, particular sa Tacloban, ang bagyong Yolanda. Ang tinalagang pinakamalakas na bagyong dumaan sa Pilipinas. At nakakalungkot na ngayong taon ay tila naulit ang delubyo na dala ni bagyong Yolanda, sa pamamagitan ni bagyong Ulysses.

Kaya naman. labis na nakakabilib ang pagpapaabot ng suporta at tulong ng mga dating biktima ni Yolanda, na noon ay nanghingi din ng tulong sa kanilang pagbangon, upang palakasin ang loob at bigyan ng pag-asa ang ngayo'y mga biktima ni Ulysses. 


Photo credit to Manila Bulletin

Photo credit to Manila Bulletin

Higit sa donasyon na kanilang ibinigay ay mas nakakataba ng puso ang mga mensahe na kanilang nais ipaabot. Mga mensahe ng pag-asa at pagbangon sa panahon ng sakuna. Na nagsasabi ng "Laban lang at Kaya Niyo Yan, Huwag Susuko at Huwag Mawawalan ng Pag-asa"

Na sa kabila ng pinagdaanan nila noon ay nakakatuwang isipin na sila ay nagsisilbing inspirasyon sa iba. Isang halimbawa na lahat ay kaya nating lagpasan basta tulong-tulong at sama-sama.