Halos maubos ang pasensya at hindi na makapagtimpi ang singer-songwriter na si Lea Salonga sa isa na namang bahagi ng module kung saan tila nadi-discriminate ang mga taong may tattoo sa katawan.
Sa Facebook post ng sikat na singer, makikita ang isang answer sheet mula sa DepEd module.
Doon, mababasa ang multiple choice question tungkol sa mga taong may tattoo kung ano ba ang sinisimbolo nito.
Sa apat na pagpipilian mula A to D, ang lumabas na tamang sagot ay A na nagsasabing ang pagkakaroon ng tattoo ay 'pagiging kriminal'.
Basahin ang kanyang reaksyon:
Okay, someone would need to tell me if this thing is really ok’d by the DepEd. And if so, WHAT KIND OF BS IS THIS???
For the benefit of my friends that don’t speak the language, here’s a rough translation of the encircled part:
A tattoo is a symbol of _________.
A. being a criminal
B. being a slave
C. courage and beauty
D. having low standing in society
According to the DepEd answer key, letter A is the correct answer. (For the love of God...)
I am THISCLOSE to getting a tattoo, if only to prove a point.
Can someone upload a photo of the full, unedited sheet? That whole LETTER A thing covers the rest of it, and we need some context.
Narito naman ang reaksyon ng isang netizen na may tattoo:
***Wala naman po akong masamang intensyon na ipinost ko ito.☺️ naipaliwanag ko naman sa anak ko kung ano ang tamang sagot. Sa mga teachers na nag message sa akin, isa lang sa kanila ang nakapag explain. No hate guys!
Pero pina intindi ko sa anak ko kung ano sa palagay nya ang tamang sagot.
Bikoy: Kagitingan at kagandahan mama.☺️
Wala akong paki alam sa opinyon nyong nakakapangit ang tato. Huwag nyong ituro sa bata ang mali. Basta mali yan.
(maaaring nagkamali lang sa nilagay nila sa key answers, pero kaya may "review bago ipasa", kayo po ang nagsabi sa amin nyan... Maaari rin na sa dami ng modules na dapat magawa para sa mga bata, kaya ni-print nalang sa kagustuhan natin maituloy ang pasukan. Tandaan na, itong module na ito ang isa sa mga tools ng mga bata sa pag-aaral nila.)
At ang tattoo,hindi lang art yan samin, ito yung damdamin namin.
gets?