Vlogger, bumili ng rescue boats para makatulong sa mga nabaha - The Daily Sentry


Vlogger, bumili ng rescue boats para makatulong sa mga nabaha




Nang humagupit ang bagyong Ulysses, malaking bahagi ng bansa ang naapektuhan kaya marami sa ating mga kababayan ang lubhang napinsala sa pagragasa nito. Bunsod ng walang tigil na pag-ulan, bumaha sa maraming parte ng Metro Manila at iba pang probinsya. 

Sa gitna ng trahedya, naisipan ng vlogger na si  Donnalyn Bartolome na tumulong sa mga nasalanta. 




Ibinahagi ni Bartolome sa kanyang Facebook page ang ginagawa nyang pagtulong para makahikayat ng volunteers na sasama sa kanilang team upang isagawa ito.  

Aniya sa Facebook post, bumili na sya ng rescue boats. Kasabay nito ay ang paghahanap ng mga volunteers na marunong 'magsagwan at lumangoy'. 


Dagdag pa ng actress-vlogger, willing syang magbayad sa mga sasama sa kanya para sa pag-rescue. 


"MARIKINA and RIZAL residents sino ang gusto magvolunteer for rescue? Marunong magsagwan at lumangoy, kahit magbayad ako. I’m buying boats na so let me know asap! 🙏🏻  Need na ng help ng barangays dahil lagi na busy ang lines nila. God help those who need you please please 😭" saad ni Bartolome.



Inulan naman ng papuri mula sa netizens ang naturang dalaga dahil sa kabutihang loob nito at tunay na malasakit sa kapwa. Marami din ang nakikiisa sa vlogger sa kanyang layunin na makasagip ng mga binaha.


Narito ang ilan sa kanilang mga komento: