Neil Arce | DepEd module | Lea Salonga |
Sunod-sunod ang mga kontrobesiyang kinakaharap ngayon ng DepEd tungkol sa mga inilalabas nilang mga aralin na binibigay nila sa mga estudyante sa pamamagitan ng mga self learning modules.
Isa na dito ang isang bahagi ng aralin patungkol sa pagbibigay simbolo sa isang “Tattoo” na naunang ikinagalit ni Lea Salonga.
“Okay, someone would need to tell me if this thing is really ok’d by the DepEd. And if so, WHAT KIND OF BS IS THIS???”
Ipinost ni Arce ang ngayo’y kinukuwestyong aralin na naka-print sa module, kalakip ang kanyang picture na kuha ang kanyang magandang tattoo na halos nakabalot kanyang buong braso.
Neil Arce | Photo Courtesy |
“DepEd is on a roll I feel like teaching kids to be Judgemental is their new mission.” saad ni Arce sa kanyang IG story.
Sa test exercise ng nasabing module, mababasa ang pinagmulang ng kontrobersiya.
“3. Ang tattoo ay simbolo ng ________.
A. pagiging kriminal,
B. pagkaalipin,
C. kagitingan at kagandahan, at
D. pagiging mababa ng katayuan sa lipunan.”
Umani din ng pagbatikos ang isa pang ilustrasyon na ginawa ng DepEd tungkol sa isang pamilya ng magsasaka na punit-punit at pangit ang pananamit.
“Sobrang makaluma, mapang-api at napag-iwanan na ng panahon ang mga konsepto na tinuturo sa mga bata.” saad ng isang netizen.
***
Source: PEP
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!