Tiyak na naranasan na nating lahat ang mawalan o mahulugan ng pera o mahalagang bagay. Alam natin ang pakiramdam at kung gaano nakakapanlumo lalo na’t pinaghirapan natin itong ipunin o kitain.
Sa dami ng taong makakapulot ng ating pera o gamit na nawala ay iilan lang o kakaonti lamang ang tiyansang maibabalik pa ito sa atin.
Samantala, sa Facebook post ng netizen na si Dar Palencia, ibinahagi nito ang isang ama na nahulugan ng pera.
Kinilala ang lalaki na si Rolando B. Drilon mula sa Koronadal City. Kwento ni Palencia, nahulog umano ang itim na bag ni tatay Rolando na isinabit niya sa tricycle. Naglalaman ang kanyang bag ng cellphone, lisensya at ang pera na nagkakahalagang P11,000.
Labis-labis ang pag-aalala at lungkot ni tatay Rolando dahil gagamitin sana ang dala niyang pera para sa operasyon ng kanyang anak sa Allah Valley Hospital.
Ayon kay Palencia, gusto niyang tulungan si tatay Rolando na mahanap ang nawala nitong bag kaya ipinost niya ito sa Facebook. Nagbabakasakali silang maibalik pa ito kay tatay Rolando.
Samantala, sa Facebook page na Brigada News FM Koronadal, ibinahagi dito ang kwento ni tatay Rolando upang manawagan sa kung sino man ang nakapulot sa bag ng matanda.
Photo credit to Brigada Koronadal
Isang araw lamang ang lumipas ay nakatanggap na si tatay ng P32,500 mula sa tulong ng mga netizens. Kinabukasan ay umabot na ito ng P65,000.
Hanggang sa ngayon ay hindi parin naibabalik ang bag ni tatay Rolando. Komento ng mga netizens, sana raw ay makonsensiya kung sino man ang nakapulot sa nahulog na bag ng matanda.
***
Source: Dar Palencia | Facebook