“Kung sino pa ang walang-wala, sila pa ang mapagbigay.”
Ito marahil ang isa sa mga katagang lalabas sa ating bibig sa tuwing makakasaksi tayo ng mga taong mapagbigay sa kapwa. Yung tipong mas inuuna pa ang ibang tao kaysa sa kanilang sarili.
Photo credit: Jazz Pher Justo
Totoo nga namang nakakahanga ang ganitong klase ng tao dahil sa panahon ngayon ay bihira na lamang tayong makahanap ng katulad nila.
Katulad na lamang ng isang Person With Disabîlity (PWD) na hinangaan at pinuri ng mga netizens matapos nitong i-donate ang perang kinita sa panlilimos sa mga biktima ng bagyong Ulysses.
Sa Facebook post ng netizen na si Jazz Pher Justo, ibinahagi nito ang kadakilaan at kabutihang puso ng PWD.
Photo credit: Jazz Pher Justo
Photo credit: Jazz Pher Justo
Kinilala ang PWD na si Mang Romy mula sa Brgy. Mambugan Antipolo City. Siya ay isang stroke patient.
Ayon sa post ni Justo, personal na pumunta si Mang Romy sa City Hall ng Marikina upang maiabot kay Mayor Marcy Teodoro ang kanyang perang nalikom sa panlilimos sa kalsada.
Nagkakahalaga ng P12,390 ang perang ibinigay ni Mang Romy.
Photo credit: Jazz Pher Justo
Photo credit: Jazz Pher Justo
Photo credit: Jazz Pher Justo
Narito ang buong post ni Justo:
"Hindi hadlang ang karamdaman para makatulong.
Si Mang Romy ay isang PWD (Stroke Patient) na taga Brgy. Mambugan Antipolo City nagtungo sa Cityhall ng Marikina upang personal na i-abot kay Mayor Marcy Teodoro ang kanyang nahingi sa panlilimos sa kalsada na nagkakahalagang P12,390. Imbes na para sa kanyang mga pangangailangan ilaan at gastusin ito, bagkus ito ay kanyang ibinigay para sa mga taga Marikina na nasalanta ng Bagyong Ulysses. Sobrang nakaka inspire sana tularan pa ng iba."
Basahin ang ilang komento ng mga netizens:
***
Source: Jazz Pher Justo | Facebook