Larawan mula sa ONE CAVITE |
Viral sa social media ang kahanga-hangang ginawa ng isang pulis sa Cavite na si PCpl Carlo Romero matapos siyang magpakita ng kabutihang loob sa ating mga kababayaan.
Ibinahagi ng isang Facebook page na 'ONE CAVITE' ang ginawang kagandahang loob ng pulis na ito. Ayon sa post, si PCpl Romero ay nagpakuha lamang ng litrato kay Senador Manny Pacquiao ngunit hindi nito akalain na aabutan siya ng pera ng Senador.
"Sir Manny Pacquiao, ako nga po pala yung Pulis na nagpakuha ng picture sa inyo kahapon sa Dasmarinas Cavite. (November 27, 2020). Nagulat po ako dahil pagkatapos natin magpakuha ng picture ay inabot nyo sa akin ang natirang pera sa mga ipinamamahagi ninyo at nung bilangin ko ito ay mas lalo akong nagulat." pagbabahagi ni Romero.
Larawan mula sa ONE CAVITE |
Hindi umano akalain ni Romero na bibigyan siya ng ganoong kalaking halaga ng Senador dahil ang sa nasa isip lamang nito ay magpakuha lamanbg ng litrato mula sa kanyang idolo.
Larawan mula sa ONE CAVITE |
"Ang nais ko lang po talaga ay magpakuha ng picture kasama kayo, hindi ko po inaasahan na ibibigay nyo ang ganun halaga sa akin." ayon kay Romero.
Dahil dito ay sinabi ni Romero na bilang pasasalamat kay Senador Pacquiao ay ibinili nito ng relief goods ang natanggap ng pera upang ipamahagi sa ating mga mahihirap na kababayan.
Larawan mula sa ONE CAVITE |
"Kaya eto po, bilang pasasalamat po sa inyo ay ibinili na rin po namin ang halagang inyong ibinigay ng mga bigas, de lata, kape at noodles upang maipamahagi po sa mga mahihirap nating kababayan." banggit ni Romero.
Larawan mula sa ONE CAVITE |
Basahin ang buong post ni Remero sa ibaba:
"Sir Manny Pacquiao, ako nga po pala yung Pulis na nagpakuha ng picture sa inyo kahapon sa Dasmarinas Cavite. 🤗(November 27, 2020). Nagulat po ako dahil pagkatapos natin magpakuha ng picture ay inabot nyo sa akin ang natirang pera sa mga ipinamamahagi ninyo at nung bilangin ko ito ay mas lalo akong nagulat. 😲Ang nais ko lang po talaga ay magpakuha ng picture kasama kayo, hindi ko po inaasahan na ibibigay nyo ang ganun halaga sa akin. Kaya eto po, bilang pasasalamat po sa inyo ay ibinili na rin po namin ang halagang inyong ibinigay ng mga bigas, de lata, kape at noodles upang maipamahagi po sa mga mahihirap nating kababayan, alam ko po mas marami pa po ang lubos na nangangailangan nito kesa po sa amin.
"Maraming Salamat po sa inyo. Sana po mabasa nyo itong post ko at sana rin po ma-meet ko pa ulit kayo.
"God Bless sir!
"Salute!”
****
Source: ONE CAVITE