Umani ng paghanga ang isang school principal matapos mag-viral ang kanyang larawan na tila isang construction worker sa ginagawang hagdan mula sa paaralan ng Buruanga, Aklan.
Kinilala ang principal na si Elmer Lumbo, ng Habana Integrated School.
Ayon kay Lumbo, tinulungan niya ang mga gumagawa sa naturang bahagi ng paaralan dahil mayroon siyang mga kailangang ipasang dokumento kinabukasan.
“Araw ng Miyerkules, October 28, nasa seminar po ako. Subalit noong bandang alas kwatro may tumawag sa akin mula sa accounting office ng Division of Aklan,” paunang sabi ni Lumbo.
“Dapat yung project na yan o mga liquidation report noong nakaraang trans at dapat i-submit na kinabukasan. Dahil nga to be submitted na kinabukasan, umuwi ako ng maaga sa seminar na yun at mabuti naman naabutan ko ‘yung tatlong kasamahan ko,” saad ni Lumbo.
“Mag-oovertime kami kasi nga kailangan ko itong ipasa bukas,” dagdag niya.
Nagsimula raw silang gumawa ng alas singko ng hapon at natapos sila ng alas nuwebe ng gabi.
Kinabukasan pagka-check ni Lumbo sa kanyang cellphone ay nakatanggap siya ng maraming tawag at text messages. Doon niya nalaman na ipinost pala ng kanyang anak ang mga larawan nito sa social media.
Pinagsabihan pa raw ni Lumbo ang kanyang anak sa ginawang pag-post ng kaniyang larawan pero ipinaliwanag ng anak nito na katuwaaan lang iyon at nais lang magbigay ng kasiyahan sa kaniyang mga kaibigan.
Hindi raw nila inasahan na papansinin iyon ng netizen.
Gayunman, sinabi ni Lumbo na maliit na bagay lang ang kaniyang ginawa para sa kaniyang paaralan at batid na marami pang katulad niya sa DepEd community na mas higit pa ang ginagawa kumpara sa kaniya.
Habana Integrated School is located in a far-flung barangay in Buruanga, Aklan.
Lumbo with the teachers of Habana Integrated School
"I pretty well know that there are plenty of colleagues in the Deped commumity accross the country who did more heroic acts worthy of emulation. Mine was just a 'chunk of a fraction,' saad niya.
Ipinagmamalaki naman ni Golda Mer Lumbo, ang kasipagan at dedikasyon sa trabaho ng kaniyang ama.
Payo niya sa ibang anak, huwag ikahihiya at dapat ipagmalaki anuman ang trabaho ng kanilang mga magulang.
Sa kanyang Facebook account, nagpasalamat naman si Lumbo sa mga natanggap na papuri.
To All Friends and Followers on FB! I wish to convey my sincerest gratitude and appreciation to all of you! Those...
Posted by Elmer Lumbo on Sunday, November 1, 2020
Narito ang komento ng mga netizens:
***
Source: Balitambayan