Pinoy na dating konduktor ng bus, ngayon ay may-ari na ng rentahan ng magagarang sasakyan sa Amerika, kilalang celebrities ang kanyang parokyano - The Daily Sentry


Pinoy na dating konduktor ng bus, ngayon ay may-ari na ng rentahan ng magagarang sasakyan sa Amerika, kilalang celebrities ang kanyang parokyano



 


Screencap photos from KMJS



Sino ang mag-aakala na ang isang dating  konduktor lamang ng bus sa byaheng Monumento hanggang Baclaran ay magiging isang matagumpay na may-ari na ngayon ng luxury car rentals sa Amerika.


Sobrang nakaka inspire talaga ang kwento ni kuya Felix na dating salat sa buhay, lumaki sa mahirap na pamilya, isang kahig, isang tuka mula sa siyam na magkakapatid.  *



Bagaman hirap sa buhay, ramdam nila kuya Felix ang pagsususumikap ng kanilang mga magulang mabigyan lamang silang magkakapatid ng kanilang mga pangangailan.


Kaya sa mula sa murang edad, namulat ang ating kababayang ito sa realidad ng buhay. Nakita nya isang pagkakataon ang bahay ng kanilang kaklase noong high school at nakita nya kung gaano ka aluwal ang buhay nito.


Kung dati at nagluluto lamang sila mula sa sinibak na kahoy ng kanyang ina at naghuhugas ng pinggan na pinagkainan mula sa iisang balde. Nagising sa kamalayan ni kuya Felix na ayaw nyang manatiling mabuhay sa kahirapan. 


“Nu’ng bata ako, akala ko lahat ng tao ginagawa ‘yung ginagawa namin. ‘Yung nanay ko nagluluto sa kahoy, naghuhugas ng plato sa balde. Pero nu’ng napunta ako sa bahay ng kaklase ko nu’ng high school, nakita ko na meron silang couch. Maganda ‘yung lababo nila. Hiyang-hiya ako sa katayuan ng buhay namin noon. Doon ko na-realize na dapat akong magsumikap,” kwento ni kuya Felix.  *


Screencap photos from KMJS



Ayaw nyang mamatay na lamang sa ganoong kalagayan. Nais ni kuya Felix na mai-ahon sa ganoong antas ng pamumuhay ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Ayaw nyang manatili na lamang sa ganoong estado ng buhay.



Pagka graduate ng high school, namasukan ito bilang koduktor ng bus, nakilala ang isang kaibigan na nagkumbisi sa kanya na huwag mawalan ng pag-asa sa buhay.


Naisipang makipagsapalaran sa ibang larangan, namasukan sa isang barko at nakarating sa iba ibang bansa. At hanggan sa nagkaroon ng pagkakataong makapa Amerika.


"May naging kaibigan ako. Sya nagsabi sa akin na ipush ko lang, 'wag mawalan ng pag-asa. Maraming times na nakatingin lang ako sa malayo, ganito na ba ako? ganito na ba katatayuan ko? Mamatay na akong ganito? Kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob gawin ‘yung gusto ko. Naghanap ako ng paraan. Sumampa ako ng barko. Hanggang sa nagkaroon ng oportunidad dito sa Amerika,” dagdag pa nito.  *


Screencap photos from KMJS



Hindi naging madali ang buhay ni kuya Felix sa Amerika, madami ding napagdaanang hirap gaya ng iba nating mga kababayan na nakipagsapalaran dito.



Dugo at pawis ang itinaya, pumasok sa iba't ibang trabaho, naging mekaniko sa US navy at maging sa post office at ng magretiro sapalarang ginamit ang ipon upang makapag simula ng sarili nyang luxury car rentals sa Amerika.


At ngayon nga, nagbunga ang kanyang paghihirap, hindi lang basta luxury car rental ang kanyang negosyo, maging ang kanyang mga parokyano ay mga bigating Hollywood celebrities!


“Sinugal ko lahat ng naipon ko para masimulan ‘tong business na ‘to. Sa awa ng Diyos, may mga tumatawag na mag-aavail ng car rental service. Nagkaroon ako ng pasaherong Hollywood celebrities, gaya nina Patti Austin, Simon Cowell at si Captain America Chris Evans!” pahayag ni kuya Felix. *



Screencap photos from KMJS


Dahil na din sa "word of mouth" ng kanyang mga naging customers, umunlad ang munting car rental business ni kuya Felix at ngayon ay nag mamay ari na sya ng labing pitong magagarang limousine.


 "Yung mga kinita ko, inipon ko ng inipon. Hindi ko talaga akalain na, nangyari ito sa buhay ko eh. Hindi ko inaasahan na makarating ako dito sa Amerika." ani'to.



Bukod pa sa luxury car rental nito, mayroon na rin silang dalawang paupahang bahay at higit sa lahat ay nai petisyon na nya ang kanyang ina at pitong kapatid sa Amerika at nabigyan ng magandang buhay dito.


Sabi nga ng kasabihan, "Ang buhay ay parang gulong, minsan ay nasa ibaba ka at kung minsan naman ay nasa itaas." Masasabi nating ganito ang naging buhay ni kuya Felix.


"Basta huwag kang mag-give up. Aim high! Yung para bang, kung kaya nila, kaya mo rin yun! Nagawa ko ito sa sarili kong hirap at pagti tyaga." payo ni kuya Felix. *


Screencap photos from KMJS