Screencap photos from GMA News |
Makapigil hininga na tila isang eksena sa pelikula ang isang pangyayari sa mag anak na naiwang natrap sa itaas ng kanilang kisame bilang pagtatago sa bagsik ng hagupit at napaka lakas na bagyong Rolly na maituturing na isang super typhoon, na nanalasa sa ating bansa nitong Linggo sa Barangay Francisco, Guinobatan, Albay. *
Sa balita ng GMA news and Public Affairs, makikita sa video na takot na takot ang mag iina, maging ang mga bata ay nanginginig na sa takot.
Bukod kasi sa malakas na hangin, at malakas na ulan, ramdam nila ang ragasa ng napaka lakas na daluyong ng tubig mula sa bulkang mayon na may kasama pang lahar at malalaking bato.
Sa kabila ng takot na kanilang nararamdaman, makikita na buo ang loob at buong tapang na naging alisto si ginang Marvs Alapad at kaniyang tinuturuan ang mga anak na kumapit sa lubid na nakatali sa haligi ng kanilang bahay, at huwag na huwag umano bibitiw ang mga ito.
Inutusan din ng ina ang mga anak na sabay sabay silang manalangin ng malakas upang ng sa gayon ay mabawasan ang takot na nararamdaman at buong pananampalataya sa Dios na lang ang kanilang pinang hahawakan upang malampasan ang bingit ng kamatayan. *
Screencap photos from GMA News |
"Hawak lang kayo, hawak kayo jan ok? kahit anong mangyari huwag kayong aalis jan sa kinalalagyan nyo ha!" mahigpit na bilin ni ginang Alapad sa mga anak.
Ayon sa panayam sa ginang, hindi nila akalain na aabot sa ganun kataas ang tubig baha na may kasamang lahar at malalaking bato. Kampante sila noong una dahil kahit noon pa man, ay ligtas sa mga pagbaha ang kanilang lugar, at sa katunayan ay nagiging takbuhan pa nga ng mga karatig barangay ang kanilang lugar.
Maituturing nilang isang himala ang kanilang pagkakaligtas at pangalawang buhay na nilang mag anak ito. Isang milagro ito para sa kanila dahil lumihis palayo sa kanilang bahay ang baha at naglalakihang bato.
Kinabukasan matapos makadaan ang bagyong Rolly, hindi makapaniwala ang mga residente na Guinobatan, sa mga naka balandrang naglalakihang bato, at mga tumbang mga puno at wasak na mga kabahayan. *
Screencap photos from GMA News and Google |
Sa kabila ng sakunang dumaan sa kanilang lugar, nagpapasalamat pa rin ang ginang dahil nakaligtas sila sa tiyak na bingit ng kamatayan at buhay pa rin sila,
"Dahil po, pangalawang buhay na po ito ng family namin, mas nagkaroon po ako ng mas lalong faith kay Lord, dahil sa sitwasyon na iyon, sya na lang po talaga ang makatutulong sa amin ng mga oras na iyon." dagdag pa ng ginang.
Umantig sa maraming netizens ang makapigil hinigang video na ipinalabas sa GMA news, at nagpaabot ng panalangin ang mga ito para sa kaligtasan ng nasabing pamilya. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Ganyan din kami dati magkakapatid nung maliliit pa kami..sabay sabay din kami nagdarasal para makaligtas kami sa sobrang lakas ng bagyo..walang imposible kay God..di Nya tayo pababayaan lalo na sa ganyang sitwasyon."
"Nakakaiyak grabe the power of prayer talaga. Napaiyak nalang ako bigla. Ang sakit sa puso panoorin, thankyou Lord you keep them safe!"
"Hala nkakaiyak nman habang pnpanood bgat sa dibdib, imagine you being there.. Saludo ako kay mother halata sa boses nya ung takot at prang naiiyak na pero sya ang nagbgay lakas ng loob sa buong pmilya nya.. Salamat at ligtas po kayong lahat. Prayers talaga at pagkakaisa sa gitna ng sakuna..."