Photo Courtesy: Niña Queeza Balabag Dondoyano |
Minsan sa panahon ngayon, nakakaligtaan nalang ng iba ang buhay ng kanilang mga magulang na silang umaagapay at nagpapalaki noong mga panahon pa ng kamusmusan at sa panahon ng kawalan.
Mas marami parin naman ngayon sa mga anak ngayon ang mas pinahahalagahan at binigyang ng umaapaw na pagmamahal ang kanilang mga magulang.
Tulad nalang nakakaantig kwento na natunghayan ni Niña Queeza Balabag Dondoyano habang siya'y nasa loob ng isang kilalang remittance center.
Sa ibinahaging larawan, makikita ang magandang mensahe ng anak para sa kanyang Tatay.
"Salamat pa. Ingat ka diyan palagi Pa. Iwas ka sa maraming tao Pa,"
"Loveyou Pa,"
Ipinakita dito ang magandang relasyon nilang mag-ama.
"Ok. Salamat. Kayo din lahat diyan ha. Love you," sagot ng isang matanda sa kanyang Anak.
Narito ang kanyang buong post:
Habang nasa Palawan Pawnshop kami kanina, may nakaupo sa unahan namin ni Jaira, isang lalaki nasa 50 or 50 plus na siguro yung gulang.
PS.: Kung sino ka man Kuya hehe Keep safe and God Bless you and your family 😇
Sa mga kabataan, sana ganyan din kayo sa inyong mga magulang habang andiyan pa sila kasama niyo, bigyan niyo sila ng oras at importansya hindi yung nagpapasalamat ka nga pero dun lang sa Shopee.
So ayun na nga, wala ng right to privacy, pasensya kana kuya at sa anak mo kung saan galing ang mensahe😊 at sa mga tao na hindi nakakaappreciate salamat padin sa pag basa at sorry kung nawala na ang right ti privacy na inspire lang din talaga ako sa convo nila, sorry na kung pinoproblema ninyo yun😂
Skl.😊
***
Source: Niña Queeza Balabag Dondoyano
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!