Netizens, hinangaan ang tatay na sinamahan ang kanyang anak na PWD sa pagkuha ng board exams for teachers - The Daily Sentry


Netizens, hinangaan ang tatay na sinamahan ang kanyang anak na PWD sa pagkuha ng board exams for teachers



Sa tuwing lalabas ang resulta ng Licensure Examination for Teachers (LET), maraming kwento ang ating nababasa o napapanood patungkol sa hirap at sakripisyo ng mga kumuha ng pagsusulit. 
Photo credit: Sheila Mae Glor

Maging sa social media ay sari-saring kwento ang ibinabahagi ng mga netizens na nakikita natin, minsan ay talagang nakakahanga at nakakadurog ng puso ang mga ito.

Katulad na lamang ng kwento ni Sheila Mae Glor na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account. Ito ay patungkol sa pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak.

Isa si Glor sa mga kumukuha ng exam noong araw na yun at napansin niya ang isang matandang tila may hinihintay sa labas ng building kung saan isinasagawa ang LET.

Aniya, bandang 6:30 ng umaga ay nandun na ang matandang lalaki. 
Photo credit: Sheila Mae Glor
Photo credit: Sheila Mae Glor

Dagdag pa ni Glor, mukhang mabait raw si tatay dahil nginingitian raw nito ang bawat taong dumadaan. Ramdam ni Glor na kung sino man ang sinamahan at hinihintay ni tatay ay alam niyang todo ang pagsuporta nito sa kanya.

Natapos raw ang pagsusulit ng 5:30pm ngunit nandoon parin ang matandang lalaki. Dito na nagkausap ang dalawa.

Ikinuwento ni tatay kay Glor na isa sa mga kumukuha ng LET ay ang kanyang anak na lalaki. Kitang kita raw sa mata ng matanda ang pagiging proud sa anak.

Photo credit: Sheila Mae Glor
Photo credit: Sheila Mae Glor

Aniya, simula raw noong first year ang kanyang anak ay hinahatid at sinusundo na niya ito. Sobrang naantig ang puso ni Glor sa kwento ng matanda.
 

Tunay nga namang walang makatutumbas sa sakripisyo ng isang magulang para sa kanilang mga anak. Hindi nila alintana ang hirap at sakripisyo upang masuportahan ang kanilang mga pangarap.

Ani Glor, isasama raw niya sa kanyang panalangin si tatay, sana raw ay bigyan pa siya ng mahabang buhay at mabuting kalusugan upang patuloy nitong maalalayan ang kanyang anak.

Dagdag pa niya, sana raw ay makapasa sa LET ang anak nito.

Humanga naman ang mga netizens kay tatay dahil sa kanyang pagmamahal sa anak. Pinuri rin nila ang anak nito dahil hindi naging hadlang ang kapansanan nito upang abutin ang kanyang mga pangarap.

Narito ang kanyang buong post:

“Post ko lang po si Tatay na kasama namin kahapon sa school na pinag ganapan ng board exam (LET) namin. 

6:30am ang start ng exam kaya around 5:30 andoon na kaming lahat. Hindi ko agad napansin si Tatay sa dami ng tao at dahil din siguro nakatuon ang atensyon ko sa parating na exam. Pero noong pagkatapos ng unang subject, nakita ko na s'ya na nasa tapat ng classroom. Nakaupo at naghihintay. Nginingitian n'ya ang bawat dumadaan. Sa isip ko, napakasupportive naman ni Tatay. 

6:30am to 6:30pm ang LET pero mga 5pm pa lang tapos na halos lahat sa subject na Specialization. 

5:30pm natapos na rin ako. Bale, 4 na lang kami sa loob, ako, 2 babae, at si Sir na nakawheel chair. 

Lumabas na ako para hintayin yung kasama ko. Ngitian ako ni Tatay kaya ngumiti din ako sa kanya. 

Bungad n'ya... "Nag eexam sa loob ang anak ko eh." Tila proud na proud s'ya. "Ay talaga po? Sino po ang anak nyo d'yan, Tay?" 

"Yun oh!" sabay turo sa may bintana. Si Sir pala na nakawheel chair ang anak n'ya. 
Photo credit: Sheila Mae Glor
Photo credit: Sheila Mae Glor
Photo credit: Sheila Mae Glor

"Mula 1st year yan hatid sundo ko na 'yan. Hanggang ngayon na board n'ya." 

Gusto kong maiyak. Dama ko yung sakripisyo ni Tatay at ng lahat ng mga magulang para sa mga anak nila. Yung kaya nilang gawin ang lahat nang walang pagkapagod o pagkainip. 
 
Isinama ko po kayo sa prayer ko, Tay. Na nawa bigyan ka pa ng mas mahaba pang buhay at mas malakas na katawan. At nawa din makapasa ang anak n'yo. 

Di ko na nainterview pa si Tatay kasi ilang minuto lang natapos na din si Sir sa pagsasagot at sinundo na s'ya ni Tatay sa loob.”

Samantala, sa comment section ay sinabi ni Glor na pumasa sa LET ang anak ni tatay. 




***