Netizen to Michele Gumabao MISS(ED) UNIVERSE: "Enough of those hazy statements. Chin up, and start acting like a queen" - The Daily Sentry


Netizen to Michele Gumabao MISS(ED) UNIVERSE: "Enough of those hazy statements. Chin up, and start acting like a queen"



MJ Quiambao Reyes | Michele Gumabao | Photo credit to the owner

Matapos magsalita at maglabas ng hinaing sa isang 'tell-all video' si Miss Universe Philippines 2020 2nd runner-up Michele Gumabao, tungkol diumano sa mga kontrobersyang bumabalot sa nagdaang beauty pageant, tila mas marami ang bumatikos sa kanya, sa halip na naki-simpatya.

Ang dahilan? Hindi diumano nagustuhan ng mga nakapanood ng video ang nilalaman nito, sapagkat hindi naman direktang sinabi ni Lumabao kung ano nga ang kanyang narinig at nalaman noong gabing iyon. Dahilan kaya nabitin sa buong katotohanan at nadismaya ang mga netizens.


Michele Gumabao | Photo credit to MG TV, Youtube


Matatandaan na noong November 2, 2020, ay ipinalabas ang video blog na ito ni Gumabao kung saan emosyonal siyang nagpahayag ng saloobin tungkol sa kredibilidad diumano ng MUP 2020.

Sa kanyang video, sinabi ni Gumabao na mayroon siyang mga narinig at nakita na hindi niya dapat nalaman bilang isang kandidata.

"I heard things I never should have heard, witnessed things I never should have witnessed as a candidate." ani Gumabao.

Michele Gumabao | Photo credit to MG TV, Youtube


Inamin niya din na hindi niya kinaya ang mga nalaman, dahilan kung bakit hindi na siya nakadalo sa 'viewing party' at 'pictorial' para sa top five candidates, kung saan siya ay dapat na kasama.

"I was heartbroken. I was devastated that night. I called my family and I wanted to go home.", pahayag ni Gumabao.

Ngunit, natapos ang naturang video ng hindi man lang sinabi ng beauty queen kung ano ang narinig at nalaman nito, dahilan kung bakit marami ang nainis at nadismaya sa kanya, imbes na maki-simpatya dito.

Michelle Gumabao | Photo credit to the owner

Michelle Gumabao | Photo credit to the owner



Isa sa mga nagpaabot ng pagkadismaya ay si MJ Quiambao Reyes, blogger at social media influencer. 

Sa isang Facebook post na sinimulan niya sa mga katagang "MISS(ED) UNIVERSE", sinabi ni
Reyes na sana ay tigilan na ni Gumabao ang mga pasaring at kung maari ay sabihin na lang kung ano ang totoong nalaman nito. 

Pinuri naman niya ang MUP 2020 2nd runner up at sinabing, maganda naman ang ginawa ng huli sa pageant, ngunit pinayuhan na lang ito na ayusin ang sarili, bumangon at umaktong isang tunay na beauty queen.

Narito ang kanyang buong pahayag:

"MISS(ED) UNIVERSE

Enough of those hazy statements and insinuations. Either state what really went wrong and what you've witnessed or please stop invalidating someone's crown with a 24-minute "tell all" that didn't really tell anything.

If it's any consolation, you're beautiful and you did well. Masyado lang din magaganda at magagaling ang mga nakasabay mo. Now, please pull yourself together, chin up, and start acting like a queen."