Netizen, Naiyak ng Makita ang Paraan ng Pasasalamat ng mga Biktima ng Bagyong Ulysses - The Daily Sentry


Netizen, Naiyak ng Makita ang Paraan ng Pasasalamat ng mga Biktima ng Bagyong Ulysses



Photo credit to Adriann Lopez Gannaban's Facebook account

Matapos ang matinding pananalasa ng bagyong Ulysses sa malaking bahagi ng Luzon, marami sa ating mga kababayan ngayon ang nawalan ng ikabubuhay at hindi mawari kung paano muli magsisimulang bumangon.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, ginulantang ang buong bansa, hindi lamang ng malakas na ulan at hanging dala ng bagyong Ulysses, kundi ng nakakagulat na pagtaas ng tubig baha partikular sa Metro Manila.


Typhoon Ulysses hit Marikina hard | Photo credit to the owner

Ngunit mas ikinabigla ng nakararami ang biglaang pagtaas ng tubig na halos ilubog ang buong probinsya ng Cagayan. Na kahit walang storm signal at hindi naman direktang tinamaan ng bagyo, ay 
halos nagmistulang Pacific Ocean sa taas ng tubig at sinabing ito na ang pinakamatinding baha na naranasan nila mula 1975. 

Typhoon Ulysses submerges Cagayan | Photo credit to the owner


Ito diumano ay dahil sa pag-agos ng tubig-ulan mula sa probinsya ng Quirino, Nueva Vizcaya, Kalinga, at Isabela, dahilan para mag-overflow ang tubig sa Cagayan River at natapon sa mga bayan ng Cagayan. Isa din diumano ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam sa dahilan ng pagbaha dito.

Kaya naman libo-libong residente doon ang nanawagan ng tulong at kinailangang ilikas dahil nilubog ng baha ang mga bahay ng mga ito.

Mabilis namang dininig ang kanilang panawagan at sadyang marami ang nagpaabot ng tulong mula sa ibat-ibang bahagi ng bansa. Isa na dito ay ang grupo ng kabataan na si Adriann Lopez Gannaban, SK and Youths of Barangay Aggugaddan, Penablanca.

Photo credit to Adriann Lopez Gannaban's Facebook account

Simula sa unang araw ng pananalanta ng bagyo at hanggang sa kasalukuyan ay walang sawa at pagod na nagpapaabot ang kanilang team, ng tulong mula sa pagkain, tubig, damit, slippers, towels, at cash donations na kanilang nalikom mula sa mga donors.

Photo credit to Adriann Lopez Gannaban's Facebook account


Kaya naman, sobra ang natatamo nilang pasasalamat at paghanga mula sa mga netizens na nakakakita ng bawat pagtulong nila, na kanilang binabahagi sa social media, upang makakalap din ng tulong sa iba.

Ngunit ito ngang huli ay iba ang naramdamang tuwa ni Gannaban at ng kanilang grupo ng makita nila ang paraan ng pasasalamat ng mga mismong biktima na nakatanggap ng kanilang tulong.

Photo credit to Adriann Lopez Gannaban's Facebook account

Kwento ni Gannaban, habang nagbabahagi sila ng donasyon ay nakita nila ang mga biktima na may hawak na 'placards' na may nakasulat ng pasasalamat sa lahat ng tulong na kanilang natatamo.

Sadyang nakakaiyak raw makita ang mga biktima na kahit sa oras ng sakuna ay nakikita pa rin nilang nakangiti at lubos ang pasasalamat sa mga taong may mabubuting loob na laging handang tumulong sa nangangailangan.

Narito ang kanyang buong pahayag:  

"We passed by these people while giving out donations. These simple placards and words have deeply touched our hearts. And despite the hot weather, long travel and simple act of giving hot food in their area, this words means very much to us. Seeing your smiles even through the diffculties that you have gone through the pass few days, brought tears to our eyes and warmth to our hearts.

nakakaiyakkkkk 

#BANGONCAGAYAN