Netizen, sinabing may modus umanong ginagawa ang PLDT - The Daily Sentry


Netizen, sinabing may modus umanong ginagawa ang PLDT



Isang netizen ang naglabas ng kanyang galit matapos masaksihan ang ginawang kalokohan umano ng isang PLDT contractor.
Photo credit to the owner

Sa Facebook post ni Mira Sales, ikinuwento nito ang naging pangyayari matapos siyang mawalan ng internet connection habang may contractor na nag-iinstall umano ng wifi sa kabilang apartment na tinirhan niya.

Aniya, nanonood siya ng Netflix nang biglang mawala ang kanyang internet connection. Sinubukan muna niyang mag troubleshooting ngunit hindi pa rin ito naayos.

Pagsilip umano ni Sales sa labas ng kanyang apartment ay nakita niyang may nag-iinstall ng wifi sa poste at may nakita rin siyang putol na wire.
Photo credit to the owner

Dito na niya kinausap ang lalaking contractor at kinausap kung bakit nawala ang kanilang internet connection at telepono.

sabi ko nawalan kame ng wifi connection and dial tone (kala nya di ko nkita yung putol na cable, umaarte pa sya na pinatawagan yung telephone namin kung working..)” sabi ni Sales.

Umakyat muli ang lalaki sa poste upang icheck ang mga kable at sinabing “mam sorry nabangga pala ito luma na tska maluwag.”

Dito na nagalit si Sales dahil alam niyang nagpapalusot lamang ang lalaki. Mabuti na lamang raw ay nandoon siya at nakita ang mga pangyayari, kung hindi ay dalawang linggo nanaman silang walang internet connection.

di naman nabangga kuya eh tinatapyasan mo ng wire para maikabit muli sa dati paanong nabangga? halatang pinutol mo yung wire connection namin!!!” sabi ni Sales sa lalaki.

Sa huli ay nakiusap si Sales na i-share ang kanyang post upang malaman ng mga kapwa niya netizens ang ginawang kalokohan ng PLDT contractors.

Basahin ang buong post ni Sales:

“PLDT MODUS!!!!!

while watching netflix, Bigla nalang nagstop pinapanood ko, tapos nag biblink nalang modem ko! syempre first response is to restart your modem for 5mins..nung nirestart ko na! ayaw paren no connection nakalagay!!! 

sumilip ako s labas kasi parang may nag aayos sa poste!! then nakita ko si kuya patapos na mag install ng wifi sa kabilang apartment. tpos may wire ako nakita putol!

i approach him “ kuya ano pong iniinstall nyo s poste”. he answered “pldt po maam”.

then sabi ko nawalan kame ng wifi connection and dial tone (kala nya di ko nkita yung putol na cable, umaarte pa sya na pinatawagan yung telephone namin kung working..)

tpos umakyat sya ulit at sinabing “mam sorry nabangga pala ito luma na tska maluwag”

sabi ko ANO?? di naman nabangga kuya eh tinatapyasan mo ng wire para maikabit muli sa dati paanong nabangga? halatang pinutol mo yung wire connection namin!!! (di ko na napicturan yung mismong wire dahil kinakabit na nya yan) grrrrr...

buti nalang gising pako !!! Kundi 2 weeks nanamang tatawag s pldt para maayos itong pesteng wifi na sila din nagtatanggal!!! nakakagigil ka kuya!!  

paki gawan ng action to PLDT Home PLDT PLDT Cares 

Kindly SHARE!! para maiwasan nyong madiscomnect pag may nag aayos s poste nyo! malamang sila na yun!!!”


***