Mga netizens, nanawagan na matulungan ang 75-year old na nagtitinda ng ilang prutas at gulay - The Daily Sentry


Mga netizens, nanawagan na matulungan ang 75-year old na nagtitinda ng ilang prutas at gulay



Sino nga ba ang hindi mahahabag sa isang 75-year-old na matanda na hanggang ngayon ay nagtitinda parin ng kung ano-ano para mayroong maipambili ng pagkain?
Tatay Rodolfo Perez / Photo credit: Russel Simorio

Nakakalungkot at nakakaawa dahil sa kanilang edad ay hindi na dapat sila naghahanap-buhay lalo na sa panahon ngayon na may lumalaganap na sakit.

Ito ang nakakapanlumong nangyayari sa isang matanda mula sa Malasiqui, Pangasinan.

Sa Facebook post ng journalist na si Russel Simorio, ibinahagi nito ang mga larawan ni tatay Rodolfo Perez na nagbebenta ng ilang piraso ng gulay at prutas sa kalsada.

Aniya, minsan ay kumikita lamang ito ng 30-50 pesos kada araw.
Tatay Rodolfo Perez / Photo credit: Russel Simorio
Tatay Rodolfo Perez / Photo credit: Russel Simorio

Dadag pa ni Simorio, si tatay Rodolfo rin daw ang bumubuhay sa kanyang mga magulang.

Hindi naman nabanggit ni Simorio kung ilang taon na ang ama at ina ni tatay Rodolfo, ngunit kung ating iisipin ay nasa 90-100 plus years old na sila.

Hindi rin nabanggit kung mayroon bang asawa at mga anak si tatay Rodolfo.

Panawagan ni Simorio sana ay matulungan si tatay Rodolfo.

Narito ang kanyang buong post:

“MAGBEBENTA PARA MAKABILI NG PAGKAIN

Sa edad na 75, matiyaga pa ring nagbebenta ng ilang pirasong gulay at prutas si Tatay Rodolfo Perez sa Malasiqui, Pangasinan. Minsan kumikita siya ng 30 hanggang 50 pesos na pambili naman niya ng pagkain. Si tatay Rodolfo ang bumubuhay rin sa kanyang ama at ina na mahina na. 
Tatay Rodolfo Perez / Photo credit: Russel Simorio
Tatay Rodolfo Perez / Photo credit: Russel Simorio

Maswerte tayo dahil medyo nakakaraos tayo sa buhay. Pero sa sitwasyon ni Tatay Rodolfo, mahirap.
Nakakaawa pero saludo tayo kay Tatay Rodolfo. Kung makita nyo man po si Tatay Rodolfo sa Malasiqui, sana matulungan po natin siya”

Nanawagan naman ang mga netizens na sana ay matulungan si tatay Rodolfo at ang mga magulang nito.
Tatay Rodolfo Perez / Photo credit: Russel Simorio
Tatay Rodolfo Perez / Photo credit: Russel Simorio

Ayon sa comment section, sa palengke raw ng Malasiqui nagbebenta si tatay. Paiba-iba raw ang pwesto nito. Kapag umaga ay nasa tindahan siya ng mga isda at kapag tanghali na ay lumilipat ito sa tabi ng cellphone accessories and school supplies.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:


***