|
Nang dahil sa pandemic, marami ang nagbago sa buhay nating mga Filipino. Marami ang naghirap at nawalan ng trabaho. Marami ang nalugmok sa pagkawala ng dati ay saganang kabuhayan.
Ngunit sa kabila ng lahat, patuloy pa din tayong lumalaban, bumabagon at naghahanap ng paraan upang buhayin, hindi lamang ang sarili, kundi ang pamilyang umaasa sa nakararami sa atin.
Tulad na lamang ng napakaganda at very inspiring story na ibinahagi ng isang dating flight attendant and beauty queen na diumano ay natanggal sa kanyang trabaho at naudlot ang pangarap.
|
Siya ay si Maurice Maureen Avila, dating flight attendant ng Cebu Pacific Air. Ani Avila, matapos ang 3 taong pagiging flight attendant, isa siya sa mga binawas na empleyado ng kanilang kompanya dahil sa kakaunting flights dulot ng pandemya.
Sa kabila nito, hindi siya nawalan ng pag-asa at sa halip ay naghanap ng ibang paraan upang mabuhay. Kung dati, maleta ang kanyang hila-hila, ngayon proud siya sa kanyang bagong negosyo, ang pagbebenta at pagde-deliver ng LPG.
Maurice Maureen Avila | Photo credit to her Facebook account |
Narito ang buong post at very inspiring na kwento ni Avila:
"DISKARTE AT SAKRIPISYO ANG BUBUHAY SAYO AT SA PAMILYA MO. HINDI OPINYON NG IBANG TAO.
Today, Oct. 16, is the effectivity date of the 2nd wave of retrenchment in Cebu Pacific. I am exactly one and half month unemployed.
YES. I AM ALREADY UNEMPLOYED. I AM NOT A FLIGHT ATTENDANT ANYMORE. AND I DON’T HAVE THE WINGS ANYMORE.....
It took me so long to accept and post this in social media. Madaming nagtatanong sakin pero hndi ko nirereplyan. Kase nahhiya ako. Kase feeling ko nagfail ako sa buhay.
1st photo. Taken during my FA days where life was so easy and totally different.
2nd photo. Present. What I do for living now. The first business that I and my boyfriend ever tried.
Gabi gabi tinatanong ko ang Diyos “Bakit kailangan mong kunin yung pangarap na pinaghirapan ko?”
I am devastated for 2 weeks; nawalan ng gana kumain, iyak ng iyak kada kagabe, paggising sa umaga iiyak nnmn. Ang sakit sakit.
But eventually, natanggap ko din naman. Bakit? Nasaktan ako. Pinaghirapan ko to. Pangarap ko to. Eto ang mundo ko. Eto ang bumubuhay samen ng pamilya ko.
HINDI DAPAT IKAHIYA NA NATANGGAL KA SA TRABAHO. To others na nawalan din ng trabaho during this Pandemic, don’t lose hope. Narealize ko sa one and half month, na kahit anong gsto natin sa buhay kung hndi naman talaga yun ang plano ni Lord, kukunin at kukunin nya yun sayo.
Para sa mga gusto pading magFA, kita kits tyo sa pila sa Grand Hiring. Sabay sabay tayo mangarap uli, sabay sabay tyong lilipad uli! There is always hope and always keep in mind that there is light at the end of the tunnel. We will paint sky yellow, blue and red again! We will have our wings again!
Maraming salamat, Cebu Pacific. Binago mo ang buhay ko. Binago mo ang pagkatao ko.
It was a pleasure to be onboard. Thank you everyone!
Maurice Maureen Avila, Your Lead Cabin Crew
258240
Now signing off...."
Source: Maurice Maureen Avila | Facebook