Matandang may kapansanan, iniidolo ngayon matapos mag-donate sa mga nasalanta ng bagyo - The Daily Sentry


Matandang may kapansanan, iniidolo ngayon matapos mag-donate sa mga nasalanta ng bagyo



Tatay Vener Lucero | Photo Courtesy: Mikel Ebreo

Kusang lumalabas ang pagbabayanihan nating mga Pinoy sa oras ng pangangailangan sa kahit ano mang klaseng mga problema o kalamidad ang sumusubok sa ating katatagan, paghahanda at pananampalataya.

Katulad nalang ng pananalasa ng sunod-sunod na malalakas na bagyo sa bansa na pinalubog ang maraming lugar at nag-iwan ng matinding pinsala sa maraming kabuhayan ng ating mga kababayan na hanggang ngayon ay paunti-unti paring bumabangon. 


Walang maiiwan ika nga. Mahirap mang magsimulang muli, kaagapay naman nilang babangon ang buong bayan, ang buong Pilipino. 

Hinangaan at sinaluduhan ng mga netizen ang angking kabaitan at kabayanihan ng isang matandang may kapansanan or Person With Disability (PWD) na si Vener Lucero dahil kahit pa sa kanyang kalagayan hindi ito naging hadlang sa kanya upang magbigay tulong sa mga nasalanta ng bagyo.


Photo Courtesy: Mikel Ebreo

Sa post ni Mikel Ebreo, isang empleyado sa isang kilalang pawnshop at remittance center, ibinahagi niya ang isang magandang larawan kuha niya nang magdonate si Vener Lucero sa pamamagitan ng GMA Kapuso Foundation. 

"Flex ko lng po ang isa sa my mabuting puso, c Kuya VENER LUCERO ng Barangay Mabini Lipa City Batangas, sa kabila po ng kanyang kalagayan ay nakuha pa nyang magbigay at magdonate sa mga nasalanta ng bagyo ulysses, sa pamamagitan ng GMA kapuso Foundation through Cbuana Lhuillier Pera Padala," saad ni Ebreo sa kanyang post. 

"I salute you po Kua Vener, Mabuhay po kayo At godless u po..👋👋👋," dagdag niya.


Hindi din daw ito ang unang pagkakataon na tumulong at nagbahagi si Tatay Vener sa mga nangangailangan, saad ni Ebreo sa isang interview sa Philippine Star. Pangako din daw niya ito sa sarili na kahit sa maliit na halaga tutulong siya.   

“Kahit pwede naman siya sa priority lane kasi PWD, matiyaga siya pumipila if ever na may nauuna sa kanya. Tsaka wala po siyang reklamo kahit ganun ang kalagayan niya,” Ebreo shared in his interview with the Philippine STAR.

Photo Courtesy: Mikel Ebreo

“Pangako daw po niya sa sarili niya na ‘pag may extra siya kahit na maliit na halaga eh tutulong siya. Sabi pa po niya, ‘yung maliit na halaga ‘pag pinagsamasama, malaki ang maitutulong,” he shared.

Umani ng mga papuri mula sa mga netizen ang angking kabaitan na pinakita ni Tatay Vener at pinasasalamatan nila ang matanda. 


"Blessings shared will multiply hundred folds thru God’s grace in His own way. You’re great Tatay," komento ng isang humahangang netizen.

***

Source:  Mikel Ebreo

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!