Anak ng mananahi, isa na ngayong ganap na doktor, nag-top 1 pa sa board exam - The Daily Sentry


Anak ng mananahi, isa na ngayong ganap na doktor, nag-top 1 pa sa board exam





Para sa isang magulang, walang katumbas na halaga ang makita ang kanyang anak na makamit ang tagumpay na pinakamimithi nito. Lalo na kung ang bagay na napagtagumpayan ay puno ng pagod at hirap.   

Ito ang kwento ng isang lalaki na pinalad na lagpasan lahat ng pagsubok na napagdaanan nya sa ngalan ng pangarap, sa tulong ng kanyang mga mabubuting magulang.



Si Jomel Lapides, ang lalaki na ngayon ay isa nang ganap na doktor, ay proud na anak ng isang housewife at tatay na mananahi na dati ay naging construction worker din.


Bumilib ang marami sa naturang binata dahil sa pinatunayan nitong angking galing. Sapagkat sa ikalawang pagkakataon, muling nasungkit ni Lapides ang top spot sa isa na namang board exam, ang Physician Licensure Exam. Ito ay pagkatapos nya ring manguna noong 2011 sa Nursing Licensure Exam.

Sa isang pambihirang pagkakataon, napakataas na 88.4% ang naging marka ng kanyang 2011 Nursing Licensure Exam samantalang nakakuha naman sya ng 88.67% sa nakalipas na Physician Licensure Exam.



Pagbabahagi ng bagong doktor, bukod sa kanyang puspusang pag-aaral ay taimtim rin nyang ipinagdasal na makapasok kahit sa top 10 lang. Ngunit higit pa dito ang natanggap nyang biyaya.

Halos hindi man makapaniwala sa nakuhang gantimpala kapalit ng lahat ng kanyang sakripisyo at pagsusumikap, malakas naman ang paniniwala ni Lapides na nakamit nya ito dahil sa tibay ng loob, tiyaga, at paniniwala niya sa Diyos.




“Sobrang unexpected and surpised at talagang thankful lang talaga kay Lord. I prayed at least makapasok ako sa Top 10. Si Lord po iba yung binigay lagpas-lagpas,” aniya. 

Dagdag pa ni Lapides, "Si Lord lang po talaga ang naging sandalan. Tapos po, thankful kasi po may mga people na tumulong... So I think blessed lang po ako sa mga people na niniwala sa'yo. Talagang persevere talaga eh, kasi kung hindi talaga materially, financially-blessed, kailangan mo talaga ng tiyaga," 



Ibinahagi nya rin ang ilan sa mga hinarap nyang pagsubok kapalit ng kanyang pinakamimithi.

"Dati nanghihiram pa ako ng funds. Tapos nag-try ako mag-apply sa ibang work para habang naghihintay ng nursing board, nag-work ako as a tutor, kahit papano kumita na," kwento nya.



Payo ng binata, “Talk to the Lord and tiwala lang sa kaniya. Have faith. Siya yung ground and source ng strength. And also solicit the help of your family and your friends and get your inspiration from them. Really know yourself and set your goals po.”

Nabanggit rin ng pinagpalang binata na nagtapos bilang cum laude sa UP College of Medicine na balak nyang ipagpatuloy ang kanyang sa ophthalmology.