Photos from Facebook @Jopay T De Guia |
Napakahirap ang mabuhay ng walang mga magulang na sana ay aagapay sa atin sa pang araw araw nating buhay. Kung saan ay magbibigay sa atin ng magandang kinabukasan, mapagtatapos tayo ng pag-aaral, mabibigyan tayo sapat na pagkain at tirahan.
Madalas pa nga ay kahit nasa hustong edad na tayo ay hinahanap pa din natin ang kalinga ng ating mga magulang. Hindi matatawaran ang pagmamahal na maibibigay ng isang magulang sa kanilang mga anak. *
Pero papaano kung ang ating mga magulang ay nawalay sa atin simula pa lang sa murang edad? Tila napaka hirap lumaki ng walang magulang na mag aaruga at gagabay sa atin.
Gaya na lamang ng kalagayan ng magkakapatid na ito mula sa isang lugar sa Brgy. San Roque, Mercedes, Camarines Norte, kung saan naninirahan ang magkakapatid na ito sa isang bahay na walang mga magulang o mga kamag anak man lang na mag-aaruga sana sa kanila.
Ibinahagi ng netizen na si Jopay De Guia ang nakaka awang kalagayan ng mga batang ito, na sila lamang magkakapatid ang bumubuhay sa sarili nila dahil sa maagang naulila ang mga ito sa kanilang ama dahil sa karamdaman.
Samantalang ang kanilang ina naman ay sumama na sa ibang lalaki at walang kaabog abog na iniwan sila at bahala na silang mamuhay sa sarili nila. *
Photo courtesy of Abante TNT |
Hindi na siguro maatim ni Jpay ang kalagayan ng mga magkakapatid at kanya na itong ibinahagi sa social media. “Eto po ‘yung mga bata na wala nang mga magulang,” ayon sa post ni Jopay.
Ayon sa ating netizen at kapitbahay din ng mga ulilang bata, ang mga magkakapatid ay kumakain lamang niyog, toyo at kung minsan pa ay asin para mairaos lamang ang isang araw. At kung minsan pa nga, walang wala talaga silang makain at tinitiis na lamang ang kalamng tiyan.
Ayon pa kay Jopay, sumakabilang buhay ang na tatay ng magkakapatid ay nitong Agosto 17, 2020 hindi na idinetalye ng neizen ang ikinamatay ng kanilang ama at ang kanilang ina naman ay sumama na sa iba.
Tanging ang nakatatandang kapatid ng mgabata ang siyang naghahanap buhay sa pamamagitan ng pagpapalaot sa dagat. Kahit na ito ay wala pa rin sa hustong edad para maghanap buhay. *
Photos from Facebook @Jopay T De Guia |
Minsan naman ay tulong tulong silang magkakapit bahay para sa pang araw araw na pangangailan ng mga bata, ngunit hindi pa rin ito sapat. Kaya sa pamamagitan ng pagpost ng mga larawan ng mga bata ay matulungan ang magkakapatid na ito.
“Wish ko lang po na sana may mabuting puso na matulungan po ang magkakapatid na’to dahil hindi naman po sumasapat ang tulong naming magkakapit-bahay,” Ani Jopay para sa magkakapatid.
Dagdag pa ng kapit bahay ng mga bata, matatagpuan ang magkakapatid sa Bicol, Purok 1A, Brgy. San Roque, Mercedes, Camarines Norte ang magkakapatid. Sa mga nais tumulong ay maaaring kontakin si Jopay sa cellphone number 0938-515-3341 o sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.
Sa ngayon, umaabot na sa higit 1,900 reaksyon at nasa 6,400 shares ito sa Facebook at maraming mga netizen ang nagpaabot ng panalangin at awa sa kalagayan ng mga bata. *
Ayon sa komento ng isang netizen, “Kung tayo pinag pala ng financial blessing ay hindi mahirap magbigay ng tulong sa mga bata kahit konting halaga lang na galing sa ating puso. Sa panahon ngayon dto tinitignan ang Panginoon kong alam ba natin magbahagi sa iba ang biyaya na ating tinatanggap mula sa Kanya. Small amount is a big help to them thru sa bank account sa nag post.”
“Dapat ilapit sa local na pamahalaan baka sakaling matulungan sila, dapat obligasyon yan ng local na pamahalaan lalo na at wala na rin silng maasahan pa.” ani pa sa isang komento.
“Kawawa talaga mga bata, Lord, tulongan ninyo po ang mga batang ito. Sana po ay may mga taong may mabubuting puso na tumulong sa kanila, Lord.”dagdag pa ng isang netizen. *
Photos from Facebook @Jopay T De Guia |
Ayon sa update ni Bb. Jopay De Guia sa isang netizen na nagkomento, nagbigay na ng ayuda ang DSWD sa magkakapatid. Narito ang buong post ni Jopay sa kanyang Facebook post:
“Eto po ung mga bata na Wala ng mga magulang salon salong kumakain ang ulam ay nyog at soy sauce lang minsan asin kong minsan nmn wla po tlgng makain nag titiis na lang ng gutom.. bukod tanging nag hahanap buhay lang sa kanila ay nakakatandang kapatd nila sa murang edad sumasabak na sa pag lalaot sa dagat ...ang kanilang ama po ay kakamatay lang nong August 17, 2020 ang kanilang ina naman po ay sumama na sa kabit Wish kolang po na sana may mabuting puso na mtulongan po ang mag kakapatid nato dahil di naman po sumasapat ang tulong namin mag kakapit bahay.
Address- Bicol purok 1A brgy San roque Mercedes Camarines norte..
Contact number- 09385153341.” *
Photos from Facebook @Jopay T De Guia |