Sa lakas ng ulang dala ng Bagyong Ulysses, maraming lugar ang napinsala at maraming tao ang nawalan ng tirahan, hanapbuhay atbp.
Sa Ifugao, 5 tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nasawi sa landslide sa Brgy. Viewpoint sa Banaue.
Sa bayan ng Quezon, Nueva Vizcaya, gumuho ang lupa sa tatlong sitio ng Barangay Runruno.
Sa Pagudpud, Ilocos Norte, gumuho rin ang lupa sa kalsada at pahirapan ang clearing operations.
Umapaw naman ang ilog sa Santiago City, Isabela Huwebes ng umaga. Umabot ang tubig sa bubong ng ilang bahay sa Brgy. Mabini.
Nalubog din sa tubig ang ilang bahagi ng mga barangay ng Calao East, Calao West, Batal, Sinsayon, Rosario, Malvar at Malini.
Humupa na ang baha, pero nag-iwan ito ng makapal na putik kaya pahirapan ang paglilinis sa mga duming kumapit sa mga bahay.
Sa Cauayan City, may mga inililikas pa rin dahil sa tumitinding baha. Sa bubong na ng kanilang bahay inabutan ng mga rescuer ang ilang residente.
Binaha na rin ang bahagi ng Tuguegaro City at iba pang lugar sa Cagayan dahil sa pagbaba ng tubig mula sa Isabela.
Sa kabila ng lahat ng ito, marami ang mga mababait na Pinoy na handang tumulong sa mga nasalanta. Pero ang masakit sa loob ay meron ding mga taong mapagsamantala.
Katulad na lamang itong mga taong ibinulgar sa social media na kung saan nangangalap ng donasyon para sa kanilang pansariling interes.
Narito ang ilang mga scammers na naglipana ngayon: