Ang larawan ng misteryosong floor safe at pera sa loob nito | Larawan mula sa Artikulo site |
Matuturing na sigurong napaka swerte mo kung ikaw ay makakapulot o makaka kita ng pera lalo na kung ito ay makikita mo mismo sa loob ng iyong tahanan.
Ganito mismo ang nangyari sa mag asawang nagpagawa ng kanilang biniling bahay sa Phoenix, Arizona base sa nilathalang kwento ng azcentral news site.
Ayon sa nasabing article, kumalat sa Internet ang kwento tungkol sa isang mag-asawa sa Phoenix - kinilala lamang bilang "Eddie" at "Angie" - na nakakita ng isang vault sa mismong bahay nila.
Ipinapaayos umano nina Eddie at Angie ang kanilang kusina at nang gibain ng mister ang tiles ng sahig, nakita nila ang misteryosong safe.
Hindi lamang iyon, laking gulat din ng mag-asawa nang makita nila mismo ang numerong kumbinasyon ng taguan kaya ito ay kanila ring binuksan upang makita ang nilalaman.
Ayon sa detalyadong mga kapsyon sa mga larawan na binahagi ng mag-asawa, sa loob ng safe ay kanilang nakita ang $ 51,080, na maayos na naka bundle at isang bote ng bourbon - na ang tatak ay James E. Pepper.
Ang larawan ng misteryosong safe sa sahig | Larawan mula sa Artikulo site |
Ngunit hindi lang iyan, dahil nakita din sa taguan ang isang libro at mensahe na tila ba mga clue para sa isang bagay.*
Ang libro ay pinamagatang “A Guide for the Perplexed” na nalahathala noong 1977 at mensahe na ang tinutukoy ay ang mga nakasalungguhit sa libro.
Nasa loob din ng taguan ang isang card na may palaisipan at mapa ng syudad ng Mesa na may markang X na tila pang treasure hunt. Nakita din ang isang lumang larawan ng lalaki at sa likod nito ay may nakasulat na “Alan, I have a book you must read. I’ve underlined a few key passages. Your friend, Vincent”.
Ang libro at note sa loob ng safe | Larawan mula sa Artikulo site |
Ayon pa sa mga caption ni Angie, ang taguan o safe na sahig na kanilang nakita ay tila nasa 10 hanggang 20 taon na.
Posible umano na ang taguan ay nagmula sa taong 1990s, ang libro ay 1970s, at ang card na mula sa 1960s.
Ang nilalaman na pera at iba pang gamit | Larawan mula sa Artikulo site |
Samantala, nilinaw naman ng news site na maaring hindi rin totoo ang kwento at ito maaring marketing strategy lang din.