Mag-aama na nahiyang maging pabigat sa tinuluyang bahay, umalis at nagpalaboy - The Daily Sentry


Mag-aama na nahiyang maging pabigat sa tinuluyang bahay, umalis at nagpalaboy



Larawan mula kay Norman Valentin

 Nalungkot ang mga netizens sa isang Facebook post kung saan nanawagan ito na mabigyan ng pansin ang kalagayan ng mag-aama na nakahiga sa gilid ng simbahan ng Santa Rosa sa bayan ng Paniqui Tarlac.


"Paki bigyan po ng pansin nakakaawa nman po mga bata. Dito po sila paikot ikot sa paniqui bayan. Naawa po kasi ako ng makita ko silang magaama na nahiga sa gilid ng simbahan ng santarosa." ayon sa post ni Norman Valentin.


Kwento ni Norman, nakausap niya umano ang tatay ng mga bata at sinabing taga Tondo, Manila umano sila at napadpad sa Tarlac dahil makikituloy umano sila sa kanyang pinsan.

Larawan mula kay Norman Valentin

"Nakausap ko po ung tatay nila. Taga tondo manila daw po sila. At napadpad sila dito dahil may pinsan daw po siya sa brgy carino na babae. Nov 13 daw po ay nandito na sila."

Larawan mula kay Norman Valentin

"Babae po pareho ang kanyang dalawang anak 2 year old po ung bunso at 3 year old nman po yung panganay." dagdag pa nito.


Pagbabahagi ng tatay ng mga bata, umalis sila sa tinuluyang bahay ng kanyang pinsan dahil nahihiya na umano sila na maging pabigat.


"Umabot sila ng dalawang lingo na kinupkop sila ng pinsan niyang babae sa carino. Pero umalis sila pagkatapos gawa ng nahihiya na siya at pabigat na sila sa bahay ng pinsa nya. Sa kadahilanan  na wala narin silang makain. Kaya balaboy laboy sila ngayon sa bayan ng paniqui." kwento ni Norman.

Larawan mula kay Norman Valentin

Basahin ang buong post ni Norman sa ibaba:


"Paki bigyan po ng pansin nakakaawa nman po mga bata. Dito po sila paikot ikot sa paniqui bayan. Naawa po kasi ako ng makita ko silang magaama na nahiga sa gilid ng simbahan ng santarosa. Babae po pareho ang kanyang dalawang anak 2 year old po ung bunso at 3 year old nman po yung panganay. Nakausap ko po ung tatay nila. Taga tondo manila daw po sila. At napadpad sila dito dahil may pinsan daw po siya sa brgy carino na babae. Nov 13 daw po ay nandito na sila. Kaya lang po sila nakarating dito ay nakisakay lang daw po sila sa mga byaherong mga truck. Mula tondo manila hangang tarlac. At nakarating po sila sa carino sa kanyang pinsan. Umabot sila ng dalawang lingo na kinupkop sila ng pinsan niyang babae sa carino. Pero umalis sila pagkatapos gawa ng nahihiya na siya at pabigat na sila sa bahay ng pinsa nya. Sa kadahilanan  na wala narin silang makain. Kaya balaboy laboy sila ngayon sa bayan ng paniqui. Sana po ay matulungan natin si tatay kaawa awa nman. Tatay nanay po xa at hindi makapag trabaho dahil sa kanyang mga anak. Maraming salamat po sana makatulong po tayo sa kapwa natin kahit maliit na bagay lang kahit dayo lang sila dito. Sana po paki share nalang po."


****


Source: Norman Valentin