Lolo, Napaluhod at Sobra ang Iyak dahil sa Ginawa sa Kanya ng isang Motorcyle Rider - The Daily Sentry


Lolo, Napaluhod at Sobra ang Iyak dahil sa Ginawa sa Kanya ng isang Motorcyle Rider



Photo credit to Dhags Vergara's Facebook account

Sadya nga namang marami pa rin ang may mabubuting loob na handang tumulong sa mga nangangailangan. At kahit na lahat ay nahihirapan sa dinaranas na pandemic sa kasalukuyan, ay meron pa ring mga "Good Samaritan" na sadyang kahanga-hanga ang pagkakaroon ng isang busilak na puso at kalooban.

Isang netizen na nagngangalang Dhagz Vergara, ang nagpatunay na mayroon pa ring mga Good Samaritans sa ating paligid. Ito ay ng kanya mismong nasaksihan ang isang kahanga-hangang pangyayari sa pagitan ng isang matandang lalaki at isang motorcycle rider sa Baclaran Church, kamakailan.


Photo credit to Dhags Vergara's Facebook account

Kwento ni Vergara sa kanyang Facebook post, papunta siya sa wishing well sa may simbahan, ng napansin niya ang isang matandang lalaki na umiiyak habang kausap ang isang lalaking may hawak na helmet.

Dahil sa pagnanais malaman kung bakit umiiyak ang matanda ay nilapitan niya ang mga ito upang malaman kung ano ang nangyayari. Doon nga ay kanyang narinig at napagtanto at labis na hinangaan ang ginawa ng motorcycle rider sa kaawa-awang matanda.

Photo credit to Dhags Vergara's Facebook account


Kaya naman kanyang ibinahagi sa social media ang naturang karanasan na iyon upang magbigay inspirasyon sa iba at ipaabot ang napakagandang mensahe para sa lahat.

Ang naturang post ay sadyang umani ng paghanga sa maraming netizens at sa ngayon nga ay mayroon ng 79k reaction, 13k comments at 43k shares sa Facebook.

Photo credit to Dhags Vergara's Facebook account

Photo credit to Dhags Vergara's Facebook account


Narito ang buong post ng netizen na si Dhagz Vergara.

"Share ko lng ung nakita ko sa baclaran church kanina 

Kanina habang nagsisimba kami sa baclaran ugali ko na na pumunta sa wishing well sa malapit sa imahe ni St. Terese para mag wish ( wish na sa akin nlang c crush charot)

Nang may mapansin ako matandang lalake na naumiiyak habang kausap ang isang lalake


Dahil may lahi akong tsismoso minsan pasimple ako lumapit at hindi ngpahalata sa dalawang nag uusap na nkikinig ako at ito ang narinig ko sa kanilang kwentuhan

Tatang : hindi naman ako tlaga pulubi at nawalan lang ako ng trabaho kaya walang wala ako ngayon a ( habang pasimpleng umiiyak)

Good samaritan : Ganun po ba tatay anu po ba ang pwede ko maitulong sa inyo ??

Tatang: ang gusto ko lng sana kung may sasakyan kau kahit ihatid niyo nlang ako sa mounumento at maglalakad nlng ako pauwe sa probinsya ko ( sorry ndi ko narinig kung saan province nya baguhang tsismoso palang kc ako)

Good samaritan : Naku tatay ndi ko kau mahahatid nakamotor lang ako at may trabaho pa ako
Tatang: miss na miss ko lng tlga ang pamilya ko wala lng tlaga akong pamasahe at walang masasakyan hindi ko gusto ang mamalimos dito pero wala na tlaga akong ibang paraan para mkakain at mabuhay kaya nga andto ako sa baclaran para humingi ng gabay sa panginoon ( habang umiiyak)

Good samaritan : (dumukot ng tatlong libo) ito tatay umuwi ka na daw sabi ni lord galing po sa knya yan instrumento lng ako mag iingat po kau ( sabay paalam at talikod sa matanda)

Tatang : maraming maraming salamat tutoy (halata sa mukha ang pagkabigla)

Pagkatapos ng pag uusap na iyon ay ng patuloy pa rin ako sa pagiging tsismoso ko pasimple ko sinundan ang matandang lalaki kung saan ppunta pagtapos matanggap ang tulong at doon nkita ko at lalong namangha ng makita ko sya lumuhod at halos maglupage sa harap ng krus sa entrance ng simbahan at patuloy na umiiyak hindi alintana na may mga nakatingin sa knya. Kaya pasimple ako lumapit ulit sa knya.

Tatang : (habang umiiyak at nag darasal) panginoon maraming salamat at napakadakila mo tlaga gumamit ka ng mabuting tao para matulungan ako mkakauwi na ako sa pamilya ko.(ramdam ko ang saya at luha nya dahil sa tulong na nakuha nya)


Maya- maya ay tumayo na ang matandang lalake at patuloy ko pa din sinundan at doon kinuha ang atensyon nya at sandaling kinausap. sinubukan ko din sya abutan din ng konting tulong pero ito ay tinanggihan na nya at sinabing

Tatang : wag na iho sobra sobra na itong natanggap ko para makauwe sa amin. Sobra itong binigay ng panginoon kumpara sa hinling ko sa knya na may maghatid sa akin kahit monumento lng sana. Marami mga tao ang nangangailan din ng tulong sa lugar na ito at ibahagi mo nlng sa kanila maraming salamat.

Doon at ngpaalam na ang matanda at nka ngiting kumaway papalayo sa akin at ng iwan sa akin ng isang kamangha- mangha pangyayari sa aking icip kung gaano kadakila ang ating dyos

Para kay sir (good samaritan) na may hawak na helmet saludo ako sa iyo pagpalain ka lalo ni lord sana marami pang mabuting tao ang katulad mo at kay tatang naman po mag iingat ka sana makauwe ka ng maayos at ligtas sa iyong pamilya

Ikaw man din bumabasa ngaun maari mo ilagay ang sitwasyon mo sa dalawang ito

Kung ikaw ay nasa pagsubok at may pinagdadaanan ngaun tularan natin c tatang na hindi nawalan ng pag asa hindi napagod at patuloy na nagdasal para sa kanyang kahilingan at pinagdaraanan

At kung ikaw nman ay nakakaluwag sa buhay tularan mo ang good samaritan hayaan mo gamitin ka ng panginoon para maging way para tumulong sa nangngailangan

God is good all the time
God is good provider"


Photo credit to Dhags Vergara's Facebook account