Lola nais mag-Jolibee kahit bente lang ang pera, pinakain na lang ng mga crew - The Daily Sentry


Lola nais mag-Jolibee kahit bente lang ang pera, pinakain na lang ng mga crew



 

Photo courtesy of Facebook/Marold Aquino Anido


Napukaw ang damdamin ng isang netizen na si Marold Aquino Anido, sa nasaksihang kabutihan na ginawa para sa lolang ₱20 ang pera sa loob ng isang fastfood.

Ayon kay Marold, galing ng palengke ang lola na pumasok at naupo sa loob ng Jollibee Calamba Crossing na tila pagod na pagod.



Maya-maya pa ay lumapit na ito sa counter at may hawak ang ₱20 na tila umo-order na, agad naman syang kinausap ng mga crew ng Jolibee.

Agad namang nakaramdam ng kaba si Marold na baka hindi mabigyan ng pagkain ang kaawa-awang matanda.

Natuwa naman si Marold nang nilapitan ito ng crew, na may dalang burger steak, rice, iced tea at tubig.

Nang mabigyan na ng pagkain, makikita ang tuwa sa mukha ng lola at masaya itong kumakain.

Labis pang nakakuha sa atensyon ng netizen ay kahit nabigyan na ng pagkain si lola, pilit pa ring iniaabot nito ang kanyang ₱20 ngunit di naman ito tinanggap ng mga crew.


Nang matapos nang kumain ang matanda, ay di nag-atubili ang mga crew ng Jolibee na alalayan ito palabas hanggang sa pagtawid upang maayos itong makauwi.




"Hindi ko mapigilang hindi sila kuhanan ng litrato dahil sobrang natuwa ako sa pinakita nilang action. Humihingi po ako ng pasensya sa pagkuha ng pictures niyo mga ate at kuya without your permission pero gusto ko lang talaga kayo i-share dahil super bait niyo po." Pahayag pa ni Marold

Mabilis na nagviral ang nasabing Facebook post at marami ang humanga sa mga mababait na crew ng Jolibee.

Umabot na sa halos pitong libo ang reactions mula sa mga netizens at may 2.4K na shares ito. narito ang mga saloobin ng mga netizens kaugnay kay lola at sa mga crew ng Jolibee:




"God bless ur heart n marunong tumulong lalo at sa nagu2tom..God bless u more sa nagbigay kay lola."

"Napaka bait nama ng crew na to sana mas marami pang mga tao ang may mabuting puso pagpalain kau ng diyos godbless u."

 "Keep it up 2 crew of Jollibee crossing Calamba."

"sobrang nkakaproud ang gantong crew ng jollibee pero mas nkakaproud ang manager n marunong umunawa.. ibang manager they think n pag tinulungan mo ang isang taong nanga2ilanagn aabusuhin kna nito at paulit ulit kng babalikan. maling thinking kung baga. kaya salute sa jollibee crossing.

"



"You'll be blessed more guys, keep up the good deeds, God bless us all always..."