Bruce Rivera | Kris Aquino | Mr. Fu | Photo credit to the owner |
Pareho ng nagbigay ng kani-kanilang pahayag ang panig ni Fermin at Aquino, ngunit tila tahimik at walang naririnig mula kay Mr. Fu, kung ano ba talaga ang naganap sa naudlot na programa na dapat ay kabilang din siya.
Mr. Fu | Photo credit to the owner |
Matatandaan na nauna ng naglabas ng maanghang na salita si Cristy Fermin laban kay Kris Aquino. Ito ay dahil diumano sa pagtanggi ng huli ng makasama nila sa trabaho si Mr. Fu, isang magaling na TV and radio personality at proud member ng LGBT.
Dahilan ni Aquino, hindi raw niya kilala si Mr. Fu at hindi nila 'Ka-Level' ito, kung kaya't ayaw niya ito makasama sa programa. Hindi nagustuhan ni Fermin ang inasal na iyon ni Aquino, kaya naman, maging siya ay nagdesisyon na din na huwag na ituloy ang programa at nag-anunsyo na kailanman ay ayaw na niyang makatrabaho pa si Kris Aquino.
Dahilan ni Aquino, hindi raw niya kilala si Mr. Fu at hindi nila 'Ka-Level' ito, kung kaya't ayaw niya ito makasama sa programa. Hindi nagustuhan ni Fermin ang inasal na iyon ni Aquino, kaya naman, maging siya ay nagdesisyon na din na huwag na ituloy ang programa at nag-anunsyo na kailanman ay ayaw na niyang makatrabaho pa si Kris Aquino.
Cristy Fermin | Photo credit to the owner |
Marami na rin ang nagbigay at naglabas ng kani-kanilang opinyon tungkol sa usapin. Naroon ang mga nagbigay ng kanilang simpatya kay Mr. Fu, lalong-lano na ang LGBTIQ community na lubhang nasaktan para sa kanya.
Kris Aquino | Photo credit to the owner |
Isa na dito ay ang sikat na abogado, radio host at LGBTIQ advocate na si Bruce Rivera. Kilala rin siya bilang isang magaling na social media influencer sa pagiging matapang at palaban na mga pahayag nito sa ibat-ibang uri ng usapin.
At ngayon nga ay naglabas muli si Atty. Rivera ng isang matapang na opinyon, upang ipagtanggol ang kanyang mga ka-uri, laban kay Kris Aquino.
Basahin sa ibaba ang kanyang buong-pusong pahayag:
"MAGMOVE-ON SA HINDI KA-LEVEL
Marami ang nagsabi sa akin na huwag ko daw patulan. At madami ang gusto na magtalak pero may NDA kaya takot mademanda. Pero wala akong NDA and I can talk about it. I am a true LGBTIQ+ advocate and I have yet to say this, just because palagi mo kasama ang mga bakla ay pro-LGBTIQ+ ka na. Pero mas masama yung mapanglait ka.
Madaming beses na kasi pinapakita ni Kris na mapanglait siya sa mga bakla. Ung interview niya kay BJ Floresca about Valkyrie na halatang may pangungutya, how she treats gay staff, yung issue nila sa mga Falcis, the Wendell Alvarez incident na nalaman ko matagal na at now yung kay Mr. Fu.
I am a nobody and hindi naman ako papansinin kasi lalong hindi ako ka-level niya. Pero I have to get it out of my chest as a gay person. Kasi, napipikon ako sa mga nagsasabing naniniwala daw sila sa LGBIQ+ rights kahit kita naman na mababa ang tingin sa mga bakla. Swerte lang sa kanya na nakakatrabaho siya ng mga beki na powerful and intelligent para hindi maging full-blown ang homophobia niya.
Sa totoo lang, yung level level na yan, ginagamit lang yan kung inaalipusta ka ng mga taong alam mong inggit lang.
Ang totoo, ilang beses naman kasing naprove na may tendency to lie, make-up stories and destroy people with paawa and appeal to emotions.
At the end of the day, the continued power of Kris is only due to gays who take her cudgels and allow her the opportunity to make noise in cyberspace. Huwag mo laitin ang mga ka-uri ng mga taong sumusuporta sa yo. Kasi, ang NDA, hindi forever."
Source: Bruce V. Rivera