Photo grabbed from Google. Credit to the owner |
Dahil sa pagpapatuloy ng pandemic dulot ng Coronavirus, halos lahat ng kabataan ay nananatili lamang sa kanilang mga tahanan kaya mas dumami ang kanilang oras na ginugugol sa internet, online classes, online games at live streaming apps.
Isa ang bansang Korea sa mahigpit na nagpatupad ng pagbabawal lumabas sa mga kabataan. At ayon nga sa kanilang awtoridad, isa ito sa mga dahilan kung bakit dumarami ang bilang ng mga magulang na nakakatuklas ng mga 'unexpected bills' galing sa 'unauthorized payments' mula sa kanilang debit at credit cards.
|
Isa sa nawalan ng napakalaking halaga ng pera ay ang isang pamilya from Seoul Korea na sobrang nagulat ng nalaman ng mga ito na sila ay nawalan ng kabuuang 130 million won o US$115,000, 5.5 million sa Php!
Ito raw ay ang perang kanilang inipon , ng ilang taon, pambili sana ng bagong bahay. Kaya naman sobra ang panghihina nila ng malaman na nawala ito sa kanilang bank account noong August.
At sobra nga ang kanilang pagkagulat ng malaman na ang kanilang 11-year old na anak na babae pala ang nakaubos nito, ng gamitin niya ang bank account ng mga magulang sa isang live-streaming app na 'Hakuna Live', na nagpapahintulot sa mga fans ng mga streaming stars nito, na magpadala at magbigay ng 'gifts' galing sa in-app credits na tinatawag na 'diamonds'.

Napag-alaman na nagpadala ang bata ng 130 million won na halaga ng diamonds sa 35 streamers mula mobile payment gamit ang smartphone ng kanyang ina sa pagitan ng petsang August 3 at 12.
Pahayag ng 49-anyos na ama ng bata na si Mr. Kim, palaging naiiwan diumano ng kanyang asawa na hindi nakalock ang cellphone nito dahil may kapansanan raw ito sa paningin at nagtamo na noon ng pinasala sa utak.
"My wife always leaves her phone unlocked since she is visually impaired and suffers from brain damage," aniya.
Nakipag-ugnayan naman daw sila kaagad sa 35 streamers at hiniling na maisauli sa kanila ang pera. Marami naman daw ang may magagandang loob na sumang-ayon na maibalik sa kanila ang nawalang salapi, ngunit hindi lahat ay kanilang narefund sapagkat may 46 million won o US$40,000 pa ang hindi na nahanap at malabo na raw maibalik.
Sabi ng Korean authorities, ayos sa data ng Korea Content Dispute Resolution Committee (KCDRC), may total na 1,587 reports na raw ang naitala tungkol sa unauthorized online purchases mula sa mga minors sa pagitan ng January at December ngayong taon. Ito ay doble sa 813 reports noong 2019.
Gayunpaman, ayon sa KCDRC, ang paghiling ng refund o paghanap ng mga ligal na remedyo ay mahirap sa ilalim ng kanilang kasalukuyang batas.
Sinabi din ng opisyal ng Korea Communications Commission na sa kaso ng pamilya ni Mr. Kim, ay wala diumanong naganap na iligal tramsakyon, sapagkat lumalabas na pinapayagan naman ng ina na gamitin ng anak ang cellphone nito.
Hindi rin daw maaaring pilitin ng mga platform operators na utusang magrefund ang kanilang streamers kung ayaw ng mga ito. Tulad ng mga card companies na hindi din required na magcancel ng paymets na ginawa ng isang kapamilya ng card holder.
"Although platform operators cannot be fully held accountable for accepting payments from minors, they cannot avoid responsibility for not having any measures such as age limits to prevent children from making huge transactions," sabi diumano ni Hwang Yong-suk, isang professor ng media communications sa Konkuk university, Korea.

*** Kaya paalala mga kababayan, maging maingat sa mga ginagawang transactions online. Ugaliin ding mag-check ng activities ng mga anak, hindi lang sa ginagawang online classes, pati na rin sa mga online games at mga apps na ginagamit ng mga ito.