Kapitan sa Cagayan, hindi kinukuha ang sahod; napupunta sa mga residente - The Daily Sentry


Kapitan sa Cagayan, hindi kinukuha ang sahod; napupunta sa mga residente



Isang katangi-tanging punong barangay sa Del Barrio ng Baggao, Cagayan ang hinahangaan at kinabibiliban ng maraming netizens dahil hindi nito kinukuha ang kanyang sahod simula noong maupo ito.
Barangay Captain Gilbert Respicio / Photo credit: Reymar Desiderio

Ayon sa KAMI, mismong mga residente umano ng barangay ang nagkikwento sa kabutihanng loob ng kanilang kapitan. 

Sa Facebook post ng radio correspondent na si Reymar Desiderio, noong 2018 pa naupo si Barangay Captain Gilbert Respicio. Simula noon ay hindi na nito kinukuha ang kanyang sahod.

Ayon pa sa post, isang retiradong sundalo ang kapitan kaya naman sanay na talaga ito sa pagtulong lalo na sa mga nangangailangan.

Dagdag pa ni Desiderio, umabot na raw sa isang daang libong piso ang naipong sahod ng kapitan na ginamit naman sa mga relief operations ng kanilang lugar.

Napag-alaman din na isa si kapitan Gilbert sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses noong Nobyembre 12. 

Maging ang iba pang pangangailangan ng kanilang barangay ay agad niyang natutugunan dahil nagmistulang karagdagang pondo na ang sahod ng kapitan na nagawa pa rin niyang ibahagi sa kapwa.
 
Narito ang buong post ni Desiderio:

“ISANG KAPITAN DEL BARRIO NG BAGGAO, CAGAYAN- HINDI NIYA KINUKUHA ANG KANYANG SAHOD SIMULA NOONG NAUPO ITO AT NAPUPUNTA SA MGA RESIDENTE NITO.

Natatangi at naiiba ang isang barangay kapitan ng isang barangay ng bayan ng Baggao, Cagayan.

Sa aking pagsasaliksik at pag tatanong sa mga residente ng barangay na ito. Anila na simula ng umupo ang kapitan na Ito noong nanalo siya bilang kapitan noong barangay election 2018 ay hindi nito kinukuha ang kanyang buwanang sahod.

Napag alaman ko pa na napupunta sa mga kabarangay nito sa at maging sa mga bisita at iba pang pangangailangan ng barangay hall.

Humigit sa isang daang libo na ang naipon na sahod nito na ginagamit sa kanilang mga relief,rescue at iba pa.

Sa 48 baranggays ng Baggao tanging Siya lamang ang ganito.

Nagtrabaho siya bilang isang kawal ng mamamayan o SUNDALO at siya ay napapakinggan din sa Radyo noon dahil sya ang taga pagsalita sa programa ng militar noon.

Natapos o nagretiro Ito sa kanyang propesyon bilang SUNDALO.

Agad namang sumabak sa larangan ng pulitika at sa unang Laban nito ay nanalo siya bilang kapitan del barrio.

Siya ay si RETIRED ARMY S/master SGT GILBERT RESPICIO, nasa tamang edad, may asawa at residente ng barangay NANGALINAN BAGGAO, CAGAYAN.”

Narito ang ilang komento ng mga netizens:





***