Dahil sa pandemya ay maraming mga negosyo at maliliit na kompanya ang nagsara. Marami rin ang nawalan ng trabaho at patuloy na naghahanap ng pagkakakitan upang may magamit sa pang araw-araw.
Photo credit: Cindz Mallari-Rodriguez
May mga ilang maswerte dahil patuloy ang kanilang trabaho katulad ng “work from home”. Ngunit hindi lahat ay mapalad, mayroon sa ating mga kababayan ang mas lalong naghirap dahil sa krisis na ating kinakaharap.
Para sa pamilya ay kaya nating tiisin ang hirap kahit na malagay sa panganib ang ating kalusugan. Katulad na lamang ng isang tindero na nagpa-antig sa puso ng publiko.
Sino nga ba ang hindi maaawa sa isang tindero ng kamote na nagtitinda sa bangketa kahit basang-basa na ito ng matinding ulan.
Sa Facebook post ng netizen na si Cindz Mallari-Rodriguez, hinikayat niya ang publiko na bumili sa kamote vendor kung sakaling mapadaan sila sa Libertad.
Photo credit: Cindz Mallari-Rodriguez
Photo credit: Cindz Mallari-Rodriguez
“Hi guys, if may makakadaan sa inyo along libertad po harap ng bilihan ng tela (Galactus). May makikita po kayong nagtitinda ng kamote. Pls po bilhan po natin sya. Nanginginig na po kasi sya at basang basa,” saad ni Cindz sa kanyang Facebook post.
Ayon kay Cindz, hindi na niya kinuha ang sukli niya matapos niyang bumili kay tatay ngunit alam niyang hindi ito sapat.
Photo credit: Cindz Mallari-Rodriguez
Photo credit: Cindz Mallari-Rodriguez
“Alam ko na hindi sapat na pinabili ko si papa at hindi na kinuha yung sukli para makauwi na din sana sya.”
Sa ngayon ay umabot na sa 4k reactions, 2.3k comments at 6.7k shares ang post ni Cindz.
***