Larawan mula kay Emmanuel Andig Cortez |
Viral ang ginawang sakripisyo ng isang ama na si Emmanuel Andig Cortez para sa kanyang asawa na si Marifel Intia Cortez kung saan ay nagpa-vasectomy (kapon) si Emmanuel para hindi na mahirapan ang kanyang asawa sa pagpapa-ligate.
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Emmanuel na tatlo na ang kanilang anak at sapat na umano sa kanila ito upang sa ganoon ay mabigyan nila ng tamang atensyon at tamang pangagailangan ang bawat isa sa kanilang anak kung kaya naman naisipan nilang dalawa ang pagpapa-ligate ni misis.
Ngunit napaisip ni Emmanuel na malaki na ang naging sakripisyo ng kanyang asawa sa panganganak ng kanilang tatlong anak kung at madadagdagan pa ito ng pagpapa-ligate kung kaya naman naisipan nitong siya na lamang ang magsasakripisyo para sa kanyang asawa.
Larawan mula kay Emmanuel Andig Cortez |
“Why not tayong mga lalaki naman ang mag-sacrifice?” ayon kay Emmanuel.
Larawan mula kay Emmanuel Andig Cortez |
Dahil sa pagmamahal ni Emmanuel kay Marifel ay sinorpresa niya ito na siya na lamang ang magpapa-vasectony upang hindi na ito mahirapan.
Kwento ni Emmanuel, ang una umano nilang ginawa ay nagtungo sila sa isang ospital para sa orientation ng ligation upang maintindihan nila ng mabuti ang gagawin nilang desisyon.
“Pinaliwanag sa amin kung ano ang gagawin sa kanya (Marifel). Medyo kinakabahan na naman ako (katulad nung kaba nung nakita ko ‘yung ulo ng anak ko habang nilalabas niya),” ayon kay Emmanuel.
Larawan mula kay Emmanuel Andig Cortez |
Sa kanilang orientation ay ibinahagi rin sa kanila ang tungkol sa vasectomy (kapon), at naisipan ni Emmanuel na ito na ang paraan para kahit papaano ay matulungan niya ang kanyang asawa.
Larawan mula kay Emmanuel Andig Cortez |
“First impression siyempre gagalawin si Junjun mabuti kung si misis ang gagawa. Sa ating mga lalaki tuli lang [ang] usual operation na i-undergo natin sa buong buhay natin, tapos [may] misconceptions na ka-kapunin. Pero pinaliwanag na lahat ng ‘akala’ natin sa vasectomy ay mali.” ayon kay Emmanuel.
“Hesitant talaga ako, lalo na when my mom expressed her objection. Siyempre ang mga old people ay sanay sa tradition na sa babae lahat, pero sabi nga naming mag-asawa, ang desisyon namin ay samin lang dapat, and not with anyone’s influence sabi sa’kin ng asawa ko, hindi niya ako pipilitin (mag-vasectomy) since katawan ko naman daw ito, pero that time I’m considering it na.” dagdag pa nito.
Larawan mula kay Emmanuel Andig Cortez |
“Parang napaka-selfish kasi na ipa-ligate ko ‘yung asawa ko then mahihirapan siya after, knowing na pwede naman magpa-vasectomy ng walang kahirap-hirap.” ayon pa kay Emmanuel.
Basahin sa ibaba ang buong post ni Emmanuel:
“Share ko lang ang experience ko kahapon mga kapatid, one of the hardest decisions I made (one of the best decision daw sabi sakin ng aking esposa). Last June, nag-search na kami saan pwede magpa-ligate. Nakarating kami ng Trece, doon in-orient na kami mag-asawa regarding ligation. Pinaliwanag sa amin kung ano ang gagawin sa kanya medyo kinakabahan nanaman ako (katulad nung kaba nung nakita ko yung ulo ng anak ko habang nilalabas nya). For schedule na sana kami kaya lang God's will na rin siguro na hindi natuloy since need I-confine sya due to the required anesthesia na gagamitin sa kanya. Wala sa plano ang confinement kaya sabi nya mag-lose muna sya ng weight para local anesthesia nalang ang gagamitin. During the orientation, na-open ang VASECTOMY. Nalaman ko na may ibang way pala na mai-save ko ang asawa ko sa mga sakripisyo ng pagiging ina (3 na po babies namin kaya marami-rami na rin syang hirap ) Kaya lang parang nasasaktan na ako First impression syempre gagalawin si junjun mabuti kung si misis ang gagawa Sa atin mga lalaki tuli lang usual operation na I-undergo natin sa buong buhay natin tapos yung misconceptions na ka-kapunin (Parang aso lang) Pero, pinaliwanag na lahat ng "Akala" natin sa VASECTOMY ay mali.
“So ayun na umuwi muna kami at pinayuhan na pag isipang mabuti dahil mga bata pa kame at ang aming mga anak pero para samin okay na ang aming tatlo anghel at sympre para mabuhos namin sa kanila ang atensyon at mabigay namin lahat ng kanilang pangangailangan. Buong akala ng asawa ko hindi ko kino-consider ang vasectomy hindi niya alam iniisip ko na ako naman ang magssakripisyo instead siya hindi ko rin sinasabi sa kanya at baka kulitin ako ng kulitin alam mo naman ang misis paulit-ulit na nga ang kulit pa
Larawan mula kay Emmanuel Andig Cortez |
“Fast forward to present, may scheduled na ligation and vasectomy gusto na namin, decided na kami. Naka-mind set na sa kanya na magpapa-ligate na sya na hindi nya alam may niluluto na akong plano. Nagpunta na kame ng hospital maraming mommies na for ligation. Pero, wala pang daddy na for vasectomy. Tiningnan ko agad si Esposa natatawa na ko habang tinitingnan siya kasi alam ko kinakabahan na siya sabi ko pa sa kanya Goodluck with a grin. Pero sa totoo lang awang awa ako sa nakita naming misis sobrang dami ng sakripisyo nila yung buwanang dalaw palang mahirap na eh manganganak pa ng ilang beses jusme malolosyang pa wawa naman so why not tayong mga lalaki naman ang mag-sacrifice? Lumapit na ko sa health worker sabi ko for vasectomy po, pero nagulat ako feeling ko ang pogi ko. Nakita ko sa mga expression ng mukha nila na natuwa sila ng may poging tatay na willing mag-sacrifice para sa pinakamamahal nila Joke lang po yung poging tatay Nagulat din ang asawa ko, sabi nya sure na ba daw ako? Wala ng bawian. At dun na nga nag-simula.
“During assessment kabado na rin ako para akong bata na hinatid ni nanay para magpatuli natatakot na ako. Pero sabi ko kaya ko to. Para sa asawa ko at sa pamilya namin. After 30 mins, sumalang na ako at 15 mins lang tapos na mga dre wala akong naramdaman except sa parang nabayagan ng walang sakit. Pina-video ko kay esposa yung buong operation, walang tinanggal, walang nilagay in short buo parin po ako at ang BUONG PAGKALALAKI KO. Pinutol lang yung way na dinadaananan ng sperm. So, may lalabas parin pero wala ng mga swimmers Yung sugat napakaliit lang, sinungkit lang yung tube then tsaka pinutol. Mas masakit pa ang maipitan ng zipper. Kung si Esposa ang nagpa-ligate malamang naka-wheelchair to palabas ng OR, at buong linggo na mag a-aray ako lumabas ng wala lang, buong-buo parin parang walang nangyari.
“Sinalubong ako ng congratulations ng mga mommies na for ligation masaya din sila na may makita na lalaki na may lakas ng loob na Magpa-vasectomy. Pero hindi po lakas ng loob ang baon ko kundi pagmamahal sa asawa ko. Masaya ako na mag-sacrifice. Ngayon, di na namin makita yung sugat nawala ng parang bula Kaninang umaga, tumigas sya so di totoo ang sabi-sabi na di na mag e-erect
“Maraming salamat sa pagbasa mo dre tandaan mo kapatid hindi nakakabawas ng pagkalalaki ang sakripisyong gagawin mo bagkus nakakadagdag pa. Para sa pinaka mamahal mong asawa isipin mo nalang ang pinaka mahalagang regalong binigay niya sayo ang iyong mga anak. Let that sink in.
“Lets make a change mga dre let's step forward alisin natin ang stigma na kaylangan babae lang ang mag sasakripisyo, from pregnancy to giving birth tapos hanggang family planning sila parin? Tayo naman
“Matapang tayo sa maraming bagay sana kasama rin dito ang katapangan tanggapin ang sakripisyo para sa ating mga mahal na asawa. Tayo naman ang mag-adjust para sa pamilya natin. Huwag matakot gasino lang to kapatid sa mga pinagdaanan ng nga asawa natin.
“Kung pernanent ang hanap na contraceptive huwag na ligation go for vasectomy na
Larawan mula kay Emmanuel Andig Cortez |
“Maraming salamat po pala SA POPCOM team na nagconduct ng free ligation and vasectomy sa #Sanpedro district hospital at sa frenny ng aking asawa maam anjolina Godbless po sa inyong lahat and goodluck to your endeavor Doc maraming salamat sa pagsisilbi niyo sa ating Bayan.
“P.s umiwas sa magagandang doctor at nurse grabe sobrang nakakahiya magtatago talaga si junjun hehehe Godbless everyone.
****
Source: Emmanuel Cortez