Kasunod ng malawakang pagbaha sa malaking bahagi ng bansa ay ang pagbaha din ng tulong mula sa iba't-ibang panig ng mundo. Kabilang na rito ang gagawing charity event ng isang sikat na international vlogger.
Ibinahagi ng Nas Daily vlogger na si Nuseir Yassin ang magandang balita sa kanyang Facebook page, Sabado ng gabi.
Ayon sa naturang vlogger, maglulunsad sya ng charity class sa kauna-unahang pagkakataon.
Aniya, dinagsa sya ng mensahe tungkol sa mga kabi-kabilang pagbaha kamakailan lang. Ngunit sa halip raw na gumawa lang sya ng isang video para rito, nagdesisyon syang gumawa ng paraan para ganap na makatulong.
Matapos maudyok ng mga natanggap na menshae kaugnay ng nangyaring trahedya sa Pilipinas, gumawa sya ng event para makalikom ng malaking halaga na ibibigay sa lahat ng mga nasalanta ng bagyong Ulysses.
Paliwanag ni Nas, ang bawat sentimo na makokolekta nya mula sa mga mage-enroll sa kanyang klase ay mapupunta lahat sa pagtulong sa mga naaepktuhan ng bagyo sa Pilipinas.
Sa Nobyembre 28 mangyayari ang naturang klase kung saan ang kada isang participant ay magbabayad ng USD49 o humigit kumulang PHP2,300.
Lubos namang kinatuwa at pinagpasalamat ng mga netizen ang kabutihan at pagmamalasakit sa mga pinoy ng naturang vlogger.
Narito ang ilan sa kanilang comments: