The so-called Aladdin's lamp | Photo credit to 9News |
Sa panahon ngayon, usong-uso talaga ang mga scammers. Ibat-iba ang paraan ng pandaraya at panlalamang sa kapwa ang naglipana.
Ngunit sadyang kakaiba ang paraan ng mga con artists na ito mula sa bansang India, kung saan kanilang napaniwala ang isang doctor sa isang 'fantastical scam' at ipinagbili ang diumano ay 'Magic Aladdin's lamp sa halagang $130,000.
Agad namang naaresto ang dalawang lalaking scammer na kinilalang sina Ikramuddin and Anees, na nag-sabing may kapangyarihan ang lamp na may 'genie' na magdadala diumano ng kayamanan at kaligayahan.
Kinilala din ang biktima na si Dr. Laeek Khan. Kwento ni Dr. Khan, una niyang nakilala ang mga scammers noong sinimulan niyang gamutin ang isang babae na ipinakilala ng mga ito bilang may sakit nilang ina.
Mahigit isang buwan rin daw siyang dumadalaw sa tahanan ng mga ito upang gamutin ang inang may sakit. Unti-unti naman raw nagsimulang mag-kwento ang mga ito kay Dr. Khan ng tungkol sa isang 'Godman' na sinasabing dumadalaw din sa kanilang tahanan. At dito nagsimula diumano ang nangyaring 'brainwash' sa kanya ng mga ito at hiniling sa kanya na makilala ang sinasabing 'Godman'.
At doon na nga daw inalok sa kanya ng tatlo ang isang lamp sa halagang halos $130,000 at sinabing ang lamp na ito ay magdadala ng wealth, health and good fortune. Sinabi din nila na ito ay ang magical lamp ni Alladin, (isang sikat na folk-tale at musical fantasy na nagpapalabas ng isang wish-granting genie).
Image from the fairy tale, Aladdin | Photo credit to the owner |
Image from the fairy tale, Aladdin | Photo credit to the owner |
Nagsampa na ng kaso ang doktor at ngayon nga ay arestado na ang mga scammers, na napag-alaman rin na may iba nang mga na-biktima gamit ang naturang lampara at parehong modus.
Samantala, pinaghahanap pa rin daw ng mga awtoridad ang babaeng nagpanggap na inang may-sakit na nakatakas at nagtatago na ngayon.