Ina ng netizen, nagulat nang matanggap ang cabinet na binili mula sa online store sa halagang P700 - The Daily Sentry


Ina ng netizen, nagulat nang matanggap ang cabinet na binili mula sa online store sa halagang P700




Photo courtesy of Facebook @Gio Lumines


Usong uso ngayon ang tinatawag na on line shopping at napakaraming online sellers ang naglipana sa social media maging ang mga maliliit at nagsisismulang mga negosyante pa lamang ay hindi pinapalampas ang magbenta via on line o gamit ang internet.


Dahil na rin sa tawag ng pangangailangan dulot ng pandemya, natutong bumaling ang mga tao sa on line shopping.  *



Laking abala kasi ngayon ang lumabas ng bahay dahil na rin sa maraming bagay na dapat isa alang alang gaya ng pagsunod sa health protocols na iniutos ng pamahalaan upang mauwasang magkahawaan sa sakit.


Marami sa ating mga kababayan ang nahuhumaling na ngayon sa on line shopping. Mapa bata man o matanda, marunong ng gumamit ng app sa pag oonlline shop.


Bukod sa mura na ang mga produkto, ide deliver pa ito sa inyong tahanan ng walang kahirap hirap. Sa mga on line sellers nyo din makikita ang mga unique o kakaibang produkto na hindi mo makikita sa mga regular na tindahan o malls na tiyak ay magugustuhan ninyo.


Ngunit sa kabila nito, may mga hindi ring magandang epekto ang pagbili sa on line sellers, nariyan ang hindi tugma ang produkto ihahatid sayo kumpara sa totoong inorder mo, mariyan din ang may damage ang item, at mas masaklap pa ay ang tatakbuhan ka ng seller.  *



Photo courtesy of Facebook @Gio Lumines



Gaya na lamang ng naranasan ng isang netizen, ayon kay Gio Lumines na ibinahagi nya sa kanyang Facebook account.  Kwento ni Gio, nahuhumaling sa on line shopping ang kanyang mommy, at nakita nga nito ang isang cabinet.


Agad daw itong inorder ng kanyang mommy dahil sa nagandahan ito sa design at sa halagang P700 at talaga namang mura.


Hanggang sa dumating isang araw ang inorder ng mommy ni Gio, ngunit ipinagtataka nito ay kung bakit maliit na box lamang ang dala ng delivery rider at wala naman itong binili sa ganitong kaliit na size.


At ng binuksan na nga ng mommy ni Gio, nagulat ito sa cute na cute na size ng cabinet na ito. Wala ng nagawa ang kanyang mommy kundi tanggapin na lang at hindi na papabiktima pang muli.  *



Photo courtesy of Facebook @Gio Lumines



Nagviral naman ang post na ito ni Gio sa social media, at karamihan ng reactions ng mga netizens ay napa haha na lamang sa pangyayaring ito. Hindi naman nag iisa ang mommy ni Gio. Ang ilan pa nga ay na prank din ng ganitong mga cute products sa on line shopping.


Marami rin ang nagbigay ng kanilang mga saloobin at ang iba pa nga ay nag order din ng cute na cabinet na ito gaya ni mommy. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:


"Pag kasi mga mudrabels naten ang Nag o.l Shopping di nila knows mga ganyang desciption kemerot haha kaya Unawain nalang naten si mader atleast di sila galit hahaha..."



"Tayo kasi nakatuon sa picture, di na ngbabasa. Para din yang bumili ng cellphone, sino ang magbabasa ng manual diba wala naman. Excited eh "  *


Photo courtesy of Facebook @Gio Lumines


"Yep si mama ko nung una ang tanong lang paano mag order sa shopee ...kami nag lagay ng address ang contact number nya... tinuruan namin sya Paano maglagay at magbawas ng quantity at magplace ng order pati magchat sa seller pati magbasa ng reviews... Yung mama ko basta mura place order na yun hnd na nagbubusisi pa or nagtatanong siguro kasi ayaw nya rin ipaalam ganern ... natuto lang si mama magtanong kung legit ba nung puro palpak dumating nyang order..."


"Sympre may edad na si Mader, hindi na binusisi at yung details basta cabinet, tayo lang mga kabataan sanay sa online shopping kaya si mama naengganyo sa presyo."



Magsilbing paalala sana ito sa ating mga netizens lalo na yung mga bago palang sa pamimili sa mga on line sellers na maging maingat, mapanuri at mabusisi sa pamimili upang maiwasan ang maloko at masayang ang perang hawak dahil mahirap kumita ng pera sa panahon ngayon."  *


Photo courtesy of Facebook @Gio Lumines