Photo courtesy of Facebook @Sheryll Dijamco Abril |
Hindi na umaasa pa ang netizen na si Ms. Sheryll Dijamco Abril na maibabalik pa sa kanya ang perang aksidente nyang naipadala sa maling tao.
Ngunit laking gulat ni Sheryll ng biglang may dumating na notificaion sa kanyang cellphone at nagsasabing, "You have received PHP 10000 of GCash from, with MSG: This is to return the erroneous 10K deposit."
Isang nagngangalang Ed Michael Monares ang di sinasadyang napadalhan nya ng nasabing halaga . Isinauli sa kanya ang P10,000 na mali niyang naipadala gamit ang online money transfer na Gcash.
Patok kasi sa ating mga netizen ang pag gamit ng online cash transfer o ang cashless transaction na madalas gamitin ngayon para sa pagbabayad ng mga bills o di kaya naman ay sa mga online shopping.
Malaking kaginhawaan kasi ang naibibigay nito sa atin dahil hindi na natin kailangan pang lumabas ng bahay, magcommute at pumila ng pagkahaba haba sa mga bills payment establishments.
Yun nga lang, marami ding risks ang pag gamit ng on line money transfer. Nariyan ang mataas na porsyento ng mga aberya tulad na lang ng system errors, pagka hack sa ating account o kaya naman ay ang pag-transfer ng pera sa maling recipient kapag hindi tayo naging maingat.
Photo courtesy of Astigph |
Masakit sa damdamin at dagdag pa sa ating isipin ito kapag nangyari. Bukod sa mahabang prosesong pagda daanan, napakatagal pa ito bago marefund kung minsan pa nga ay mapapabuntong hininga ka na lang at ipagpapa sa Dios na lang ang nangyari.
Marahil sa ibang tao ay maliit na halaga ang sampung libo, ngunit sa kagaya ni ms. Sheryll na isang ordinaryong guro lamang ay napakalaking halaga na nito at marami itong mahalagang paggagamitan ng kanyang mga mahal sa buhay.
Sa panahon ngayon, lalo pa at may krisis tayo na dulot ng pandemya. Napakaraming tao ang nangangailan ng pera para ipambili ng pangunahing pangangailan gaya ng pagkain o pambayad ng bills.
Tuwang tuwa si Sheryll sa pagkakasauli ng kanyang pera kaya naman, agad nyang tinawagan si sir Ed, at taos puso syang nagpapasalamat sa kabutihang loob ng taong ito.
Photo courtesy of Facebook |
Bukod pa sa tinawagan nya ng personal si sir Ed, ay ibinahagi pa ni Sheryll ang insidenteng ito sa kanyang Facebook account upang ipaalam sa mga netizens ang kabutihang ginawa nito at upang maging ehemplo sa iba.
Narito ang kabuuan ng kanyang post sa Facebook, na may caption na:
"WORTH SHARING.
Marami parin mga mabubuting tao sa mundo.
Thank U so much SIR ED MICHAEL MONARES, for sending back mistakenly sent Cash. Di man po tayo magkakilala and i know nothing about you, But i Thank God for You. YOU HAVE EARNED CREDITS TO HEAVEN. GOD BLESS YOU PO. kung cno man nkkakilalacsa kanya, although i have already talked and thank Him, still please send him my Heartfelt gratitude and GOOD deed worth sharing."
Natuwa naman ang mga netizens at nagbigay ng kanilang mga komento sa post ni Sheryll. Narito ang ilan sa kanilang mga komento: *
Photo courtesy of Facebook @Sheryll Dijamco Abril |
"God bless you Sir. Dumami pa po sana lahi nyo."
"Salute .... Sana marami pa pong katulad nyo na honest at mabuti ang puso.. may God bless you more. And Ten folds po babalik ung blessings dahil sa ginawa nyo po..."
"A gesture worthy to be noted and shared for it is indeed something to be emulated. But it just goes to show how sad the state of humanity is now. returning back money mistakenly sent is something any decent human being should do. but instead, it is something rarely seen, as it is never expected. how sad this is. i hope there comes a day when it becomes the actual "normal. given the state of the world now, it may not happen, but it's always nice to hope and have faith in humans still." *
Photo courtesy of Facebook @Sheryll Dijamco Abril |