Hindi maikakaila na lubhang marami ang naapektuhan ng sunod-sunod na nagdaang bagyo sa bansa kamakailan lamang. Ito ay sa kabila ng maya't-mayang paalala sa lahat ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Marahil ay hindi inakala ng marami na magiging sobrang mapaminsala ang mga naturang bagyo, dahilan para marami ang masalanta. Isa na dito ang kaawa-awang estudyante na hindi nagawang maisalba ulti mo ang kanyang module para sa kanyang pag-aaral.
Sa kumalat na screenshot sa social media, mababasa ang naging usapan ng bata at ng kanyang lalaking teacher.
"Ok lang ako ano inuna nyo bang sinave any module? Para sa bayan para sa kinabukasan?" saad ng guro sa tila pangungumusta ng nagmamalasakit na bata.
Agad namang umamin ang estudyante sa kanya na hindi raw nya nagawang ma-save ang modules nya, patunay lang ito na labis silang nasalanta ng kalamidad.
"Sir hindi po, nabasa po ung modules ko," sagot nya sa teacher.
Pero sa halip na maawa at ibalik ng guro sa bata ang pagmamalasakit na ipinakita sa kanya ng estudyante, ay kabaliktaran pa ang nangyari.
Mababakas sa naging reply ng nasabing teacher ang pagiging sarcastic nito nang sabihin nya sa bata na: "So gusto mo icongrats kita?"
Kaya naman maraming netizen ang nagpahayag ng kanilang damdamin tungkol sa nangyayari kung saan animo'y walang konsiderasyon ang nasabing guro at hindi isinaalang-alang ang sitwasyon.
Narito ang ilan sa reaksyon ng netizens: