Photo credit to Markgianlyn M. Berdan's Facebook account |
Sadya nga namang nasubukan ang pagkakawanggawa ng mga Pilipino ngayong panahon ng pandemya. Napakaraming nagpaabot ng tulong sa mga nangangailangan at sa mga lubusang naapektuhan ng krisis na dinaranas ng bansa sa kasalukuyan.
Kaya naman marapat lamang na mabigyan ng pagpupugay at pasasalamat ang mga taong nagbibigay ng tulong sa iba na hindi naghahanap at humihingi ng kapalit.
Photo credit to Markgianlyn M. Berdan's Facebook account
|
Bagamat hindi na niya pinangalanan ang customer, marahil sa request na rin nito, ay pinaabot naman ni Berdan ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mabait na customer.
"Maraming salamat sa customer ko kanina ang bait nio po.", ani Grab rider.
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Berdan ang naging pag-uusap nila ng kanyang customer. Kanya ring ipinakita ang mga larawan kung saan kanyang ipinamahagi ang hamburgers sa mga less-fortunates na taong nadaanan sa kalye.
Photo credit to Markgianlyn M. Berdan's Facebook account |
Noong una ay mukhang hindi pa makapaniwala at lubhang nagulat ang Grab rider sa pakiusap ng kanyang customer, at tila nangamba ito sa kanyang seguridad. Ngunit tiniyak naman ng customer na lagi niya ginagawa ang ganong bagay kaya wala dapat ipangamba si Berdan.
Ibinahagi din ni Berdan sa mabait na customer ang mga larawan na katibayan na ipinamigay niya ang mga hamburgers, ngunit sabi ng customer na hindi na kailangan itong gawin dahil may tiwala naman siya dito.
|
Photo credit to Markgianlyn M. Berdan's Facebook account |
Agad namang umani ng papuri at paghanga ang rider at ang mabait na customer mula sa mga netizens at ang nasabing post ay sadyang nagtrending online, na ngayon ay meron ng 8.2k reactions, 7.7 shares.
Comments from netizens | Credit to Markgianlyn M. Berdan's Facebook account |
Comments from netizens | Credit to Markgianlyn M. Berdan's Facebook account |
Source: Markgianlyn M Berdan